Depressed

Galit ako sa lahat. Sa nanay ko sa tatay ko sa mga kapatid ko. Kanina lang pinandilatan ko ng mata yung nanay ko at sinabihan na wag na wag syang hahawak sa anak ko. Bata pa lang ako nanlilimos na ko ng attention sa nanay ko. Ako ang panganay at laging yung sumunod saken ang magaling sa kanya. Hanggang ngayon na nagkaanak na kame pareho, laging yung anak ng kapatid ko ang bukambibig nya. Pinuntahan pa nila kahapon kahit laganap ang virus. Tapos yung anak ko na maghapong ang bukambibig eh sila lang, di nila pansinin. Magtatanong pa sila bat naiyak yan? Nung sinagut ko, sinagut pa ko ng pabalang. Ang hirap makisama kahit na mga magulang ko pa sila. Para yung anak ko lagi na lang mamamalimos ng pansin sa kanila. Wala naman ako magawa ngayon kase yung asawa ko asa abroad. Gustuhin ko man umalis, saan kame pupunta? Ambigat bigat lang ng loob ko. Antagal ko na din kinukimkim yung sama ng loob ko. Kanina ko lang nasabe talaga kase napuno na din ako.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ma kuntento ka nalng kung ano ibigay sayo na atensyon buti at kahit me anak kana kinukupkop kapadin nila, me utang na loob kapadin sakanila na magulang mo. Wag mo awayin sila lang nagmamalasakit sayo