ANY TIPS PARA MAPALAKI ANG SIZE NI TUMMY.

Galing akong pre-natal check up now mamsh. Hindi ko alam kung nadamay lang ba ako sa pagkabadtrip ng Doc. sa kasabayan ko sa room kasi 15 yrs old yung bata and yung size ng tummy niya di tumugma sa iniexpect ni Doc, mas malaki na yung tyan niya sa expected size ni Doc kaya nagalit siya sa kasabayan ko sabi niya kung tama ba ang ibinigay na date sa pagreregla nito. Etong si girl naman sabi niya di talaga sure sa date ng regla niya kaya ayon nagdadakdak si Doc. So eto na nga po AKO NA 🙂 last check up ko okay naman, kahit size ng tummy ko sakto naman daw sa expected niya sa size kaya no worries ako na humiga. Nung sinukat na niya bigla niya ako sinabihan ikaw tama ba yung date sa pagregla mo tama ba binigay mo then sabi "Opo doc, naka record po yung monthly period ko sa calendar ko since 2021 kasi nagplano na kami na magbuntis ako. Tapos sabi niya sakin NGANO MAN GAMAY RA GEAPON SA IMONG TYAN OPO OPO DHA (bakit maliit parin tyan mo) ako nagulat nalang tsaka tumahimik kasi dko alam isasagot ko kasi last time okay naman eh. HINGI PO AKO NG ADVICE 🥺 Ano pwede gawin para lumaki size sa Tummy, ano mga need kainin, last month 55 timabang ko, now pagbalik ko 57 lang. 2kl lang din nadagdag, medyo nastress ako now pag uwi kasi wala naman sinabi yung Doctor kung ano pwede ko gawin para sumakto yung size ng tummy ko 😞🥺 dko rin ksi nakakain mga pagkain na gusto ko hayst. ANY TIPS po para lumaki size ng tummy ko balik ko po kasi is August 1 pa naman. SEPT. Kabuwanan ko ❤️ #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kapag public hospital sadyang masungit Ang OB haha kapag nabadtrip sa sinundan mo, damay damay na Ang mga kasunod🤣 badtrip din Yung ibang OB sa mga batang Ina. naranasan ko Yan nung nagpacheck up Ako SA public hospital. pipila ng 5am para SA number, Ang check up 1pm to 2pm na Kasi Yun na Ang Oras Ng dating Ng OB or Saka lang Sila natapos mag round SA hospital🤣 tyagaan talaga. pero kapag SA private Ako na OB napakabait at asikasong asikaso Ako, Kasi KADA check up 500 🤣 Yung mga vitamins pa at ultrasound sa kanya din😁 SA lying in Naman sobrang ok, napakabuti Ng panginoon Kasi first check up ko Ng lying in para subokan lang Kong ok e dun na ako napaanak. napakabait Nung OB dun. Hindi Ako pinabayaan at sobrang alaga talaga.

Magbasa pa
2y ago

kaya nga mamsh. damay talaga kung damay 😁