EDD
FTM po ako at honestly po di ko po matandaan talaga ang last menstruation ko po. Nag app lang po ako noon ng period tracker kasi may problem po talaga ako sa pagtatanda ng dates at numbers. By the way super irreg din po ang cycle ko umaabot po minsan ng month/months bago ako mag ka mens. Hanggang sa nung first check up ko po kasama si partner dun lang po nalaman na buntis ako. Syempre tinanong po ako kung kailan last mens ko. Sabi ko po di ako makakapagbigay ng date kasi nasira po yung phone ko nun at di naka register yung period tracker ko sa email or cell number. Ang una ko pong ob sabi sakin by 2nd week daw po siguro ng feb edd ko at wag daw po ako magtaka kung february 3 maglabor na ko. Lumipat po akong province para kasama family ko habang nagbubuntis. Nag iba po ako ng ob sabi po sakin ngayon 38 weeks na po ako at based last check up ko nung sabado 1cm na po ako. Today po sobrang sakit po balakang ko at kada wiwi ko napupoops din po ako. Everytime mag huhugas din po ako madulas po yung private part ko at laging merong parang white mens. Sa tingin nyo po kung manganak po ako ng ganitong panahon di po ba kulang sa buwan ang baby ko? Kasi kung 2nd week po ng feb edd ko 35 weeks palang po ako. Kung feb 3 po naman edd ko 38 weeks na po ako. Medyo naguguluhan po ako at nag aalala. Pasensya na po.