1 MONTH OLD: AYAW MAGPALAPAG

FTM here, maganda schedule ng baby ko sleep sya pag gabi ngayon naman nagloloko. Simula 1 am kagabi ayaw na magpalapag. 9 hrs na akong gising, ayaw magpalapag ng baby ko huhuhu dedede lang tas matutulog pero nakakatulog sya sakin. Kapag ilalagay ko na sa crib nya, nagigising sya. Napa-burp ko naman, busog din at walang dumi and ihi sa diaper. Anong ginagawa nyo pag ganito mga momsh? Pagod na pagod na ako kaka-hele, burp, padede.

1 MONTH OLD: AYAW MAGPALAPAGGIF
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan po baby ko.. 1st week po nya is tulog lang ng tulog.. need mo pa po siya gisingin para mapa dede tapos nitong mag 2nd week na siya nag iba routine niya sa pag tulog.. tulog po ng 8am hanggang 9am kasi ginigising ko po talaga siya para paliguan tapos after bath matutulog naman po yan hanggang 3pm tapos gigising po yan tapos mulat lang ng mata.. Hindi naman po iyakin baby ko.. ayaw lang talaga niya matulog.. tapos mga 6pm tutulog naman po ulit yan tapos gigising ng 4am .. 😂 puyat po ako lagi kasi gigising po yan ng 4am tapos 8am na po yan matutulog.. gusto lagi kinakausap.. Hindi naman makatulong Mr. ko kasi nag panda po Yun.. maaga gigising at hating gabi na din dumating.. . mahirap po pero worth it po 😊 lalo na po sakin na 6 years marriage tapos now lang nagka baby.. sinusulit ko po talaga bawat araw sa kanya kasi minsan lang po ako magka new born 😊😊 at gusto ko sulit yung time ko kahit Haggard na ako 😅

Magbasa pa