sorrry frustrated ftm 😩

may frustration po ako when it comes to bras, needed po ba ang nursing bra? nag-sag po ba ang boobs kapag breastfeeding kaya need ng nursing bra? and i would like to use nursing pads, yung reusable, pero naiisip ko nasa bahay lang ako baka pwede na yung cloth na lang na pansapin, kasi nagtitipid din ako, should i buy? pwede ba yun gamitin while using nursing bras? nursing dress/clothes, if ever lumabas or makakalabas na kami, and need magfeed, which is more convenient? use nursing clothes to breastfeed pa rin kahit nasa labas or have the breastmilk pumped/expressed na lang?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Depende pa din what would work for you po. Sa akin kasi hindi na ako bumili ng nursing bra. Well binigya ako ng mother ko pero I found it inconveniet kasi mag unhook ka pa. Sa akin okay lang yung Avon na non wire basta medyo malalim yung harap, like yung may mga front clasp, tas ibaba ko lang yung isang pad to expose my boob pag mag feed or pump. Mag sag din talaga ang boobs kasi bibigat pag napupuno siya and pag nahihila ni baby. Meron ngayon yung mga breast shells or milk catcher na pwede suotin sa loob ng bra para hindi masayang ang letdown. Nag breast pads ako dati na washable kasi nasasayangan ako sa disposable. Ngayon itry ko yung breast shells. Nung wala pa ako breast pads, sinasalaksakan ko lang ng lampin yun bra ko 😅 Bumili ko ng electric pump yung mura lang na less than 1k na pwede ikabit sa powerbank gamit ko dati nung nag work pa ako. Convenient naman siya partnered with nursing clothes or cover Nursing clothes maganda mag invest para strike anywhere. Marami naman na mura ngayon like sa Inang's collection or Kaypee Baby sa shopee and FB. Pati pambahay ko bumili din ako yung tig 99 lang. Nagmit ko pa din naman kahit hindi na ako nagpapadede kasi hindi naman siya obvious na pang nursing. Pwede din yung mga spag strap or button down na damit or medyo loose or plunging neckline tas labas mo lang dede mo para mag BF the nursing cover. Mas gusto ko kasi yun ilalabas lang ang dede from the top kesa yung iaangat pa damit tas kita tummy. Pero kailangan mag explore para maging maganda ang BF journey nyo. Wag magpaka stress kasi may effect din yun sa milk nyo. Happy lang 🥰

Magbasa pa
2y ago

totoo po yung mas okay yung ilalabas lang yung dede kesa iaangat pa yung damit hahaha. thank you so much po!💖

VIP Member

Hello mommy, since sa bahay lang ako. Minsan lang ako gumamit ng nursing bra. Di naman po nag sag breast ko, pero para makampante ka nasa saiyo po kung gagamit kayo. Okay lang kahit walang pads, lampin lang okay na kung sa bahay lang naman, fold ko lang sya if fitted ang tank top cover lang mismo sa boobs. Sa labas, di narin ako nagpapads kasi makapal na yung foam ng nursing bra. Worth it mag invest sa nursing clothes lalo na pag sige kayo labas, napaka convenient nya sa pagpapasuso. Kung di ka komportable, you can pump pero naha- hassle ako pag magdadala pa ng bote kasi ilang oras lang yan dapat ma consume ni baby, direct latch lang kami lagi and dala ka malaking lampin. May nabibili din nursing covers sa shopee/lazada if ayaw mo ng lampin. :)

Magbasa pa