Gestational Diabetes

Any food or drinks recommendation po for GDM? 30 weeks and 5 days preggy po #FirstTimeMom

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Gdm ako buong pregnancy.. 1st trimester naka maintain na diet ko narefer kasi ako sa endo at may dietitian din.. Mag brown rice ka.. Mas maganda nga heavy meals agad yung bfast lunch at dinner para hindi ka matempt kumain ng kumain in between meals. Basta per meal halimbawa 1cup of brown rice may meat ka na bilang lang halimbawa 3 cubes of pork tapos 1/2 cup of veges, 1 small banana. Meryenda ko dati napayagan ako mag anmum. Kapalit nun 1slice of bread na may palaman.. Syempre pipiliin ko yung may complete nutrients na drinks. From everyday bloodsugar monitoring naging once a week 4x/day ang monitoring ko kasi controlled na sugar ko thru diet lang at di na need mag insulin.. Kaya ok din naipanganak ko si baby nung feb😊 kaya mo yan momsh mas ok din na magparefer ka kay OB or Endo ng dietitian para alam mo need mo kcal/day nakadepende kasi yun sa height and weight mo..

Magbasa pa

hi, diagnosed with gdm 3 wks ago, 35th wk ko.. puro brown rice lang po, no breads (kahit wheat bread ayaw ng endo ko), 4 times ako nagchecheck in a day blood sugar, and this wk naka insulin na rin kasi di mo mapababa FBS ko.. halos nasa 1/4 to 1/2 cup lang brown rice, 1/2 to 1 cup ng veggies, and 1 pc meat lang ako during main meals. Lunch lang ako nagfufruits (hilaw na banana), then merienda ko ay hard boiled egg or peanuts lang. Okra water ako sa bfast, then water water lang the rest.. ginawang Glucerna ang milk ko before sleeping.

Magbasa pa

buti pa po ob nyu ang babait . tlga nagbbigay ng option or kung anu pde gawin .. smantlang ung akin . nirefer agd aq sa iba ospital, pang 5th baby ko na po and wla nmn sa mga anak ko ang ngkaproblema .. ung result nmn ng ogtt ko is hindi tumaas sa normal . kya naiinis ako dun sa ob na un.. pro pray nlng po ako .. 32 weeks po ako nung ng pa ogtt. ngaun water therapy nlng po gingawa ko pra bumaba at bawas sa mtatamis .. pray nlng po tayo mga mi .. slamat po .. psama n din po ako sa prayers nyo .. thank you

Magbasa pa

insulin since 20wks ang baby ko.. wheat bread and lowfat milk for breakfast brown rice at ulam (sugar added) for lunch and dinner.. no fruits as per endo pero kumakain pa din ako konti lang para lang mawala ung cravings ko..lagi ako fresh buko juice kasi hinahanap hanap ko talaga.. umiinom dn ako ng coke zero hindi nagki-kick ung sugar level ko.. inoorasan ko ang pagkain ko hindi pwedeng maya't maya.. 😊

Magbasa pa

Mag 32weeks ako mi. Nakita mataas sugar ko sa urinalysis kaya need ko magpa ogtt. Kaya super diet ako ngayon hehe sa lunch na lang ako kumakain ng rice, bfast at dinner ko wheat bread sandwich nlng minsan boiled egg at Nilagang saba.. hoping maging ok ang result ng ogtt ko, sabi kasi baka daw nasobrahan lang ako sa matamis sa mga nakaraan kinain ko πŸ€—πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

Magbasa pa
2y ago

Ano ang nilagang saba mo mii hilaw o yung medyo hinog?

Thank you so much po sa inyo! Prayers for mommies like me na diagnose with GDM. Have a safe pregnancy and delivery mga momsh! Kaya natin toπŸ’‹

TapFluencer

I had GDM when I was pregnant. Iwas lang po sa sweets and carbs. More on gulay, fruits and water.

VIP Member

ako nun panay brown rice lang at more on gulay at prutas. wala e iwas talaga sa may sugar.

water water lang po muna don't drink juices and soda