Have found 2 birth defects at my Congenital Anomaly Scan

#firstbaby #1stimemom #advicepls Hi! I want to share this one. I am a 20 year old soon-to-be-mom, and expected to have a healthy and normal baby. I was excited also to know the gender. Pero yung excitement na yun biglang naglaho lahat sa ultrasound room nung sinabi sa akin nung OB Sono na may abnormalities found sa baby boy ko. As stated sa ultrasound, 2 birth defects. Isang holoprosencephaly (hydrocephalus) at left hand wrist clubbing. May alam ba kayo or kakilala na may parehas ng situation tulad ng sa akin? My mind cant rest really. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang bigat ng dibdib ko kasi hindi ko maintindihan bakit all of people ako pa. Bakit baby ko pa. :(( I ask you for your prayers na sana madevelop pa si baby sa tiyan ko. Na sana magkaroon ng miracle and after a month maging okay si baby. Maging normal siya. Please help me to pray for him. Hoping that he will be go normal soon. If hindi, I will just accept it the way it is. Baby ko pa rin siya and maghihintay ako na mailabas ko siya.

Have found 2 birth defects at my Congenital Anomaly Scan
163 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kamusta kana at ang baby mo momsh? Share ko lang. 12weeks ako that time, sa ultrasound ng ob ko may nakita daw sya sa head ng baby ko na parang may defect. Grabe stress ko nung marinig ko yun. Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa di ko alam gagawin ko kundi umiyak lang ng umiyak di ko ineexpect kasi wala naman sa lahi namin at wala din daw sa lahi ng hubby ko. Araw araw ko pinag pray ang baby ko na sana nag kamali lang ang ob sa nakita nya. Nag pa 2nd opinion kami lumipat ako ng ob, then nung check up ko nag request sya na mag pa CAS daw ako kasi base sa nakikita nya ok naman daw at healthy ang baby ko. Yung 1st ob ko is ob-sono kaya talagang nakikita nya lahat ng part ni baby. Antagal ko nag antay kasi 24weeks pa dapat mag pa CAS. Nung 24weeks na ko at pinagawa ko na, THANK YOU LORD KASI WALANG NAKITA SA BABY KO AT NORMAL SYA!! πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» Pero until now na hindi pa sya lumalabas everyday ko parin pinag pepray na sana nga normal sya at walang birth defects. I’m 32weeks now active naman sya malakas ang movement nya minsan nga ang sakit na sa sobrang lakas sumipa. 😊😊 Pray lang mommy, walang imposible basta sakanya ka kumapit. GodBless you stay strong πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ’ͺ🏼πŸ’ͺ🏼

Magbasa pa
5y ago

Ilang weeks kana ngayon momsh? Pero yung movement nya sa tummy mo po. Kamusta? Namomonitor nyo po ba ang kicks nya?