must have na gamit ni baby.

First time mom here! gusto ko bilhan ng gamit yung baby ko pero at the same time nanghihinayang ako. kc baka out of excitement ee mga hindi kaylangan ni baby ang mabili ko. or hindi magamit ni baby pa tulong naman ng mga must have na essential ni baby at iba pang gamit na masusulit gamitin at di masasayang. by ur experience mga mommy ano ano yung mga gamit na dapat ko bilhin thanks alot in advance

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Base on my experience eto po yung gamit na gamit ng baby ko: *Baru-baruan o yung mga tie sides na damit may set po nyan sa shopee mura lang may longsleeve, sleeveless and short sleeves may short at pajama din po. 37pcs set lang po binili ko kasi araw araw nman po ako naglalaba nung new born palang sya tyaka mabilis lng po kaliitan kaya no need po ng madami. Mas okay din po na all white lang para mkkiga mo po agad dumi *Onesie para may palitan po si baby or may pang abang na dami po sya pag lalaki na ganon po ksi ginawa ko hehe *Booties and mittens *Lampin okay lang po na madaming lampin ksi useful po sya magagamit sya kahit malaki na si baby *Pump para if ever na ayaw pa po lumabas ng milk nyo makakahelp po ito para lumabas, and useful din po breast feeding ako kaya pag aalis nag iiwan ako milk need mag pump at now na kumakain na ng solid food baby ko nillgyan ko din sya sa food nya ng breastmilk *Baby bottle para pag mag iiwan ka ng breast milk mo o kaya naman pag formula *Bottle brush cleaner *Alcohol 70% *Bulak *Wet tissue *Diaper mas okay po na konti lang muna mga 40pcs ganun wag ka po mag hoard ksi baka hindi pala hiyang si baby para makapag palit ka pa po :) *Nail cutter *Baby soap para sa pampaligo ni baby *Soap panlaba ng damit ni baby *Comforter Set para sa higaan ni baby *Paliguan nya, mas better po na bumili nlng kyo nung malaking baby bath tub ksi yung nabili namin sknya maliit lng mabilis lng nya nakalakihan. *Pranela *Baby bath towel *Wash cloth *Bib nagamit ko lang po ito nung nag 6months na si baby ksi nag solid food na sya pero now gamit na gamit na nya. I hope this help mommy 😊

Magbasa pa