Just Sharing

First time mom here, although hindi ako handa I consider my baby as blessings. But lately nagiging stress ako hindi dahil sa baby ko nakatira kami ng asawa ko sa bahay ng magulang niya, nag iipon pa kami para makabukod ehh, wala naman sanang problema hindi ko lang nagugustuhan ang ginagawa ng nanay ng asawa ko sa baby ko. 3 weeks old na sya kahit walang lagnat anak ko pilit nila itong pinapainom ng biogesic drops gamot daw sa kabag, araw araw din nilang nilalawayan iwas usog, hindi ko mapaarawan sa umaga kasi mahahamugan daw. Yung kwarto namin sa tabi ng kusina, hirap sya makatulog dahil maiingay sila, panay bagsak ng mga gamit lalo na pag naghuhugas sila ng plato, yung mga kapatid ng asawa ko pag nag uusap ang lalakas ng boses na akala mo nasa kabilang baryo yung kausap, laging nagugulat baby ko at umiiyak ng malakas tapos ako pa mali kapag umiyak siya. Ako din sinisi nila nung kinabagan si baby kesyo pinapadede ko daw ng gutom ako, nakakainis lang kasi kung makasabi sila parang kasama ko sila 24 hours parang nakikita nila lagi ginagawa ko. Kagaya kahapon natutulog kami ng tanghali ng anak ko kasi mahimbing tulog niya, kung hindi pa ako nagising malamang napadede na ng byenan ko yun sa feeding bottle ng nakahiga (by the way mixed ako magpadede breastfeed at formula milk hirap ako makaproduce ng madaming gatas ehh) hindi naman nila pinapadighay kaya panay ang lungad, sinabihan ko na napadede ko na sya ayaw pa maniwala, pilit din nila akong pinapainom ng kung ano anong klaseng gamot kahit walang advice galing sa ob ko, pero hindi ko naman sinusunod. Byenan ko din nagpapaligo sa anak ko pero laging umiiyak mabigat kasi kamay niya kaya nasasaktan anak ko pag nag tatanggal nga ng mittens basta na lang hinahatak kahit bihisan niya ng damit para niya ng pinipilayan pero pag ako gumagawa nun sa anak ko hindi naman sya umiiyak. Gusto din nilang ipapatay yung electric fan sa kwarto dahil malalamigan daw sya, jusko papatayin naman nila sa init yung bata, hindi ako makaangal dahil ayaw ko ng gulo hindi pa kami makauwi sa bahay ng magulang ko dahil galit pa papa ko. Kaya nga asawa ko na lang kinakausap ko pinapaliwanag ko sa kanya at sya na bahala magsabi sa magulang niya. Hindi talaga kami magkasundo ng magulang niya dahil alam kong ayaw nila sa akin kaya pilit ko na lang iniintindi, patapusin ko lang tong taon na to at next year bubukod na kami hindi ko maatim na lumaki anak ko sa kanila. Salamat sa pagbabasa ?

4 Replies

Trending na Tanong