FIRST PREGNANCY

First time ko po magbuntis and with previous case of PCOS. Ngayon po, pang 8-9 weeks na po kung ibabase sa first day ng last mens ko (Nov. 29). Nung nagpa TVS po ako last Jan. 15, walang nakita sa matres ko pero nagpa Serum po ako Jan. 16, possitive naman po. Now, nag PT po ako ulit kaninang 1am pag gising ko tpos faint line na ung nakikita. Normal po ba ito? Sumasakit sakit po ung puson ko pati likod pero wala po akong bleeding. Brown discharge lang po. Ang scheduled TVS ko po ulit is sa Jan. 29 to check if makikita na si baby sa screen.

FIRST PREGNANCY
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baka nagmimiscarriage ka na sis, ganyan din ako nung sa first ko positive sya nung una tapos nung naTVS ako wala na makita sa loobg ng tummy ko, kaya pinababalik kame noon, tapos tinry ko ulet magPT nagfaint line na din sya noon, pero as of now i have my 3rd baby after my twice miscarriage, 6months na tummy ko now sa awa ng Diyos ☺️☺️

Magbasa pa
6y ago

Hala sana naman sis hindi 😢😢😢 sumasakit nga ngayon ung matres ko. After ko magplantsa biglang spotting tapos sakit na pasumpong sumpong

Sis kung ako sayo mag ER KANA. para ADMIT agad! Malakas na yung dugo na lumalabas sayo at marami na. Di yan ganun kabilis umepekto sa gamot. Change OB ka sa susunod. OB ko nga nag spotting lang ako ng kaunti admit agad kasr may tendency na magtuloy tuloy ung open ng cervix.

Ganyan din po ako 1st tri. ko... total bedrest for 3days.. as in bawal tumayo as in kahit punta cr bawal po.... pati wiwi ko dinadala sa bed ung ihian ko... total bedrest ka po muna..

Dinugo po ako now. May pumatak po pag wiwi ko and this is the other part. Tumawag po ako agad kay OB. Full bed rest po ako for 3 days and not able to work for another 1 week.

Post reply image
6y ago

Plano ko po mag ER kanina pero tinawagan ko muna si OB sis para alam niya. Sabi ni OB mag bedrest ako sa bahay parang sa ospital difference lang is naka dextrose ako sa ospital. Pinainom ako agad ng duphaston saka duvadilan ni OB nung naassess niya ako over the phone. Tinanong naman ako ni OB kng may lumabas na parang kamote and size nung sinabi kong wala, sabi nia threathened miscarriage agapan daw namin by full bedrest for 3 days and ung 2 meds for 1 week. After a week balik daw for check up.

Same. My pcos ko, akala 2yrs kami ni hubby sa loob lahat. Ngayon unexpected pregnancy. 4mos. 4mos na rin ako nakapag pacheck up gawa ng akala ko sign lang ng pcos.

Hala ang daming beses mo ng dinudugo. Masama po yan. Bed rest lang po talaga kayo. As in tatayo lang pag iihi, dumi at kakaen. Iwas din sa stress. Kasi sobrang selan mo.

6y ago

Er na dapat derecho, kundi makukunan ka talaga niyan

Same here , ang hirap maging pcos warrior tas nakaka confused yung mga symptoms if preggy ba o hindi hayss

Ask lng PO gnyan din PO Yung line Nung ng pt PO ako pero bat PO ganun d namn PO lumalaki Yung tummy ko

Delikado yan kung nah sspotting k. Try to bed rest lng wholeday. Dpt 6weeks my hearrbeat n nkkita ee

6y ago

naku sis di kaya sa labas ng matress yun pinagbubuntis mo ? Try mo ulit mag pa transv ganyan kc nanyari sa kumare ko wala makita sa loob ng matress yun pla sa labas sya

Today may spotting ulit tapos ang sakit niya parang naiipit na hangin or kabag pero sa puson

Post reply image