WALA AKONG KWENTA ??
Feeling ko wala akong kwentang ina. Nung 9 pa ako nanganak pero hangang ngayon wala pa rin ako gatas. Awang awa na ako sa baby ko. Nasa NICU pa sya. Gatas ko nalang ang maitutulong ko sa kanya pero wala ako ma pump. Nakaka depress ?????

Ganyan din naramdaman ko mommy. 3 days palang si baby and iyak sya ng iyak, yun pala hindi sapat ang nakukuha nyang gatas sakin. Na hospital kami for 8 days nun, na dextrose ang baby ko and kinuhaan sya ng dugo for lab test kasi naninilaw sya. Iyak ako ng iyak nun, sobrang sama pa ng loob ko sa byenan ko dahil sinisisi nya ko na wala akong gatas kaya iyak ng iyak baby ko. Wag ka na ma depressed mommy, isipin mo nalang ang baby mo, oksy lang mag formula milk, ipalatch mo palagi si baby lalabas din gatas mo. Kaya mo yan.
Magbasa pa

