Galit silang lahat

Ewan ko kung kami lang. Pero naranasan niyo na ba mga mommies and daddies? Pag may tampo or di pagkakaunawaan sa family ng husband ko, nadadamay yung mga anak namin. Like di nila pinapansin kahit kinakamusta man lang? For example yung parents niya may tampuhan sila na sila naman may kasalanan, tapos wala man lang tawag or text kahit kamustahin man lang yung mga bata. Pero makikita mo sa FB active sa pagkocomment sa baby or anak ng ibang tao. Yung feeling ng magulang, alam ko mababaw lang pero waley talaga. Di ko lang magets kahit text lang. Kami gusto nila palagi tumawag or magtext tapos habang kausap namin sila sa cp, di rin nila tinatanong kids or what. Di ba nila namimiss mga apo nila? Ako kasi nasasaktan para sa kids. Curious lang ako. #advicepls

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Samin nga, wala namang galit or tampuhan. Sadyang di lang nila makamusta man lang apo nila 😆 Partida pa, nag-iisang lalaking anak si hubby ko, at lalaki pa ang baby namin. Kumbaga si baby nagbuhay nung surname at magpapakalat lahi nila.Pero, wala naman akong pake hahahahahahahahaha. Di ko pinapakita saknila baby ko at di ako ang gumagawa first move. Kung gusto talaga nila makita or madalaw, sila pumunta dito samin. 🤣🤣🤣🤣 Maimbyerna lang ako sa mother ni hubby na pag hawak baby ko, kung makaangkin kala mo mahal na mahal eh, di man lang nga makamusta 🥴

Magbasa pa
3y ago

Ay nako mi, hayaan mo yang in-laws mo. Di sila kawalan. Kayo at mga kids mo, mabubuhay kahit di sila kilalanin or what. Enjoy every moment nalang with them para iwas din sa toxic extended family. Kawalan naman nila yun, mommy.