Enough

Enough na bang alam ng partner mo na nagkamali sya? Enough na bang nagsisisi na raw sya? Enough na ba un para patawarin sya at pagkatiwalaan sya uli? Apat na taon wala syang ibang pinaramdam sakin kundi mas matimbang ang ex nya kesa sakin (or so I thought). Apat na taon wala syang ibang pinaramdam sakin kundi mas importante ung kapakanan at feelings ng ex nya kesa sakin(or so I thought) .. Lagi nyang sinasabi sakin na wala na syang feelings sa ex nya pero bakit ganun? Bakit isang chat lang ng ex nya nagrereply agad sya pero pag ako sini-seen lang nya o di kaya andami nyang excuse na kesyo busy sya? Bakit pag ung ex nya naniniwala agad sya despite lahat ng ginawang kasalanan sa kanya? Oo siguro nga pinipilit nya na magbago pero bakit hindi ko sya mapatawad? Bakit ngayon pa kung kelan pakiramdam ko huli na lahat? Naging faithful at loyal ako sa kanya sa 4 years namin kahit magkalayo kami. Lahat-lahat binigay ko sa kanya na wala nang natira sakin ? Pero bakit paulit-ulit nya akong sinaktan?? ? Mahal na mahal ko sya pero ang sakit-sakit na masyado ?

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tawag dyan sa ginagawa nya sayo is gaslighting. Pinapaikot ka nya na isipin mong ikaw ang may diperensya to feel that way. Dinidisregard nya yung pag oopen up mo sakanya at binabalewala nya yung consequence. Para kang nakahuli ng bf mong ayaw mong magyosi tapos pag kinausap mo kahit andyan na ebisensya e 'ayan ka nanaman, wala nga akong yosi' ang sagot. Just get out of the situation kasi you won't be able to fix a person. Dapat kusa manggaling yon sakanya at dapat marealize nya on his own ano mga pagkakamali nya. Sis wag ka marupok, pinaghirapan ka nyang mapasagot, alam mo what you deserve in a partner. Kung di mo masikmura na hindi sya yung makakasama mo long term, magpakatatag ka dahil meron at meron parin darating sa buhay mo na para sayo talaga at hindi sasakit ang ulo mo ng ganyan.

Magbasa pa
4y ago

Matagal na po itong post ko hehe okay na po kami, nag-usap na kami and talagang pinaninindigan nyang kami ng anak namin ang pinipili nya.. May anak kasi sya dun sa ex nya.. Umayos na rin sya since the time I posted this. Hindi nya na ginagawa ung mga pinag-aawayan namin tungkol sa ex nya. He stopped all communications dun sa ex nya, anak na lang nya kinakausap nya. Hehe pero hindi lang talaga nya maalis ung walang tigil na dota na yan 🤣