Enough

Enough na bang alam ng partner mo na nagkamali sya? Enough na bang nagsisisi na raw sya? Enough na ba un para patawarin sya at pagkatiwalaan sya uli? Apat na taon wala syang ibang pinaramdam sakin kundi mas matimbang ang ex nya kesa sakin (or so I thought). Apat na taon wala syang ibang pinaramdam sakin kundi mas importante ung kapakanan at feelings ng ex nya kesa sakin(or so I thought) .. Lagi nyang sinasabi sakin na wala na syang feelings sa ex nya pero bakit ganun? Bakit isang chat lang ng ex nya nagrereply agad sya pero pag ako sini-seen lang nya o di kaya andami nyang excuse na kesyo busy sya? Bakit pag ung ex nya naniniwala agad sya despite lahat ng ginawang kasalanan sa kanya? Oo siguro nga pinipilit nya na magbago pero bakit hindi ko sya mapatawad? Bakit ngayon pa kung kelan pakiramdam ko huli na lahat? Naging faithful at loyal ako sa kanya sa 4 years namin kahit magkalayo kami. Lahat-lahat binigay ko sa kanya na wala nang natira sakin ? Pero bakit paulit-ulit nya akong sinaktan?? ? Mahal na mahal ko sya pero ang sakit-sakit na masyado ?

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same situation momsh. KaLip ko pinagtatanggol niya ex niya sakin buntis kase ako now and Hindi kami magkasama ng KaLip ko nasa kanila siya kase may pasok parin sila until now. May anak sya dun sa ex niya lagi niyang iniisip yung anak niya dun. Habang sakin Hindi manlang niya makamusta kung anong nararamdaman namin ng magiging anak niya. πŸ’”πŸ˜­πŸ₯Ί Sinabi ko sakanya na kung di pa siya nakakamove on sa ex niya umalis nalang siya kung mas matimbang padin ba yung ex niya edi dun na siya. Hindi niya makita yung mga bagay na nagawa ko para sakanya dahil bulag siya sa nakaraan niya. Sa tuwing nagaaway kami lagi niyang sinasabi sakin na babalikan nalnag daw niya yung ex niya which is pamilya ang tawag niya eh. Never naman niyang nakasama yung babae sa iisang bahay. Never nga siyang pinakilala nun sa pamilya nun. Tas matatawag niyang pamilya yun? While sakin lahat ng Angkan ko kilala siya at nakasama na niya every time na may mga event sa family ko kasama siya. Masakit dun yung ako yung nandito para sakanya pero iba yung nasa isip niya. Ayoko naman ipilit yung ganon bagay kaya sabi ko kung ganon din ang nararamdaman niya pwedeng pwede na siyang umalis. Lagi niya pang pinapa mukha na ako na nga daw pinili niya. Ako nga pinili niya? Pero bat Pinaparamdam niya na mali siya ng pinili. Piliin niyo kung saan kaya mas masaya di yung pinili niyo lang yung tao kase sila yung nandyan sainyo. Hindi niyo alam kung gaano kasakit maging panakip butas sa mga lungkot na nararamdaman niyo sa iba.

Magbasa pa