My preemie baby

EDD: JULY 14,2021 DOB: JUNE 11, 2021 3x nag antibiotic ng UTI 2x nag vaginal suppository for vaginosis Nagkalagnat ng isang beses - nagginger tea lang ako Nagkasipon ng 2x - nasal spray ang nireseta ni OB Nagbleeding @33weeks, based on NST, may contraction and 1cm na daw ako. dapat iaadmit pero nagpositive sa antigen test. Kaya naghome monitoring nalang (water therapy) and medicine to stop the contraction. Ininject nadin sakin ung pangpamature ng lungs. Home quarantine for 14days. As im taking the meds, humina naman ang quality ng movement ni baby kaya pina stop ang meds. @35 weeks 1pm, humina na naman ang quality ng movement ni baby. According to nSt, nagcocontract na naman daw ako. Niresetahan ako ng ibang meds to stop the contraction, different than before, but same effect sakin. Parang nananamlay daw si baby sa mga gamot. Okay naman ang BPS, okay naman ang nSt, pero my contraction padin. Ayaw daw ipagwalang bahala ni doc ung mother's instinct ko na may mali talaga sa anak ko. Suggest ni OB, admit nako to observe or ECS na. My placenta was already grade3 na naman, 5lbs nadin sya. At 5pm, naninigas na tyan ko pero wala namang pain. Kinausap namin mag asawa si baby na kung gusto ng lumabas, lumabas na pero sana wag naman sana syang maincubate at sana healthy sya. Sabi namin, di din naman namin sya mahahawakan at makakasama agad pag naincubate sya. At 6pm, we decided na magpa CS na. 2cm nadin pala ako. Kabado kami sa antigen and RTpcr. Naghanap pa kami ng mura..natraffic sa isang church kung san kaming mag asawa ay todong nagdasal. I believe na lahat ng wish namin sa anak namin ay nasusunod. Nung muntik na akong maadmit nung nagbleeding ako, we are not yet financially ready kaya siguro nagpositive ako sa antigen test and pinagcompulsary talaga siguro kaming maghome quarantine ni baby to prepare us for his delivery para negative kami sa rTpcr test. Nagnegative kami sa antigen mag asawa, kaya na CS ko at 8pm. 8.54pm, baby out ❤ sa isang ward kami tumuloy since di pa kami negative sa rt PCr, di rin ako magpaBF kay baby. My baby stay in an incubator for just 12hrs for monitoring lang🥺 yes, kahit preemie sya, di sya nagstay ng matagal sa incubator. Di rin sya nasweruhan. fighter! June 12, 9pm, negative nadin ako sa rtPCR kaya nakapagpaBF nako at 11pm. I am a first time mom. Kinaya ko talagang tumayo kasi mejo mahina daw dumede si baby sa bottle. Pinilit ko syang hawakan kahit mejo nanginginig pako. Thank you Papa Jesus for this baby and to my husband! Thank you sa asawa ko na sa lahat ng problema, palagi nyang sinasabi na "magdasal lang tayo". Nothing is impossible if you pray ❤ #1stimemom #firstbaby

My preemie baby
65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

awww. congrats mamsh and thank you, Lord! fighter talaga si baby mo. God bless you and take care always ☺️

VIP Member

Congrats mamsh! Ang mga baby talaga marunong naman makinig sa mommy basta kakausapin lang ng mabuti. 🥰

Ang dami mong pinagdaanan, di mo inalagaan sarili mo? Ako kasi, napakaingat ko, kahit uti, ayoko magkaroon.

3y ago

di pwede nega dito uy!! pabalik balik din UTI ko nung magbubuntis ako kasi my urolith pala ako bago ako nagbuntis..wala kasing symptoms ang urolith. di mo naman alam ang reason kung bakit sya nagkaron ng mga sakit or kung anupaman. kahit nga sobrang ingat mo, minsan nagpopositive padin sa covid.. tumahimik nalang kung walang magandang sasabihin!

VIP Member

Amen halos gnyan din ako sa baby coh 29,weeks tapos almost 3mos cya sa incubator.. Our God is great

Congrats mommy and daddy of course happy father's Day to your partner ,SA lahat nang ama god bless

Congrats mamsh! EDD October here. 2nd baby na pero yung kaba parang 1st time prin😁😌

God is always with us Mamsh, kapit lng. so happy at ok kayo pareho Congratulationss 💞

anung gamot nio ung pampawala ng contract?kabado nman aq kc nag isoxilan aq until manganak aq

3y ago

nananamlay daw ata baby kaya di nagalaw pag umiinom ako ng mga yun.

same po tau EDD July 14 2021.. kinakabahan pero excited.. congrats po ❣️

U been through a lot! Both of u are fighter! Always remember God is with u!