#TeamNovember

EDD: 13th-November,2019 DOB: 5th-November,2019 37weeks 6days 2.399 grams Via ECS-Cord Coil *First Time Mom Thankyou JAH! ??? Share ko lng po birth experience ko mga momshies. I had a healthy pregnancy po. I always take precautions of what to do and what not. Strict din ako sa diet ko while pregnant (Kasi bawal over weight dito sa Japan) hehe Pero totoo talaga yung sinasabi nila na everything will change pag naglalabor kana. I rushed in the hospital last November 04,2019 2AM yun, I was about to sleep pero nakafeel ako ng something down there. Went to the cr to check then ayun na nga may bleeding nako. Nagrelax ako woke up my mum & my husband then pag dating sa hospital sabi ng nurse iaadmit nako. From 2AM minonitor na nila ako kasi I planned to have a NATURAL BIRTH. From 2AM nagkakaroon ako ng contractions but para lang siyang mild dysmenorrhea feels. 8AM dumating si doc and nag IE na kami, 3cm dilated palang daw ako. But nagpop na yung water ko so they have to induce me para mapabilis ang labor ko. After first induce 11AM still 3cm pa din ako. Then ininduce na nila ako ulit but bearable pa yung pain. Last induce nila sakin was 4PM and stuck na ako sa 4cm. I was worried na kasi sabi ni doc nauubos na yung water ko. If hindi pa din bumaba si baby until tomorrow 10AM maoobliga sila iCS ako. From 4PM dun nako nagstart ng dry labor. Nung una medyo bearable pa ung pain until 8PM. Sobrang sakit na po talaga mga momshies but tinitiis ko nalang and iniisip ko nalang na makikita ko na baby ko soon. Aroun 930PM gumigive up na ko kasi hindi ko na talaga alam saan nang gagaling yung pain. Pag check ko sa monitor i’m having severe contractions na umaabot na ng 100. Magang maga na yung mukha ko umiiyak na ako sa sakit. Lahat ng pwedeng hawakan nahawakan ko na sa sakit. Pero sabi ko titiisin ko pa din. 10:30 I’m begging them na i-CS nako kasi diko na talaga kaya. But knowing Japan rule di sila basta basta nagcCS hanggat hindi nila nakikita na talagang hindi naman emergency. 11pm first time ngdrop heartbeat ng baby ko so nagpanic ako but sabi ng nurses ok lang daw yun. 11:30 nag drop ulit. Then 11:45 ngdrop ulit hangang 11:50 nagdrop na ulit. Sobrang nagppanic nako kasi sunod sunod ngdrop heartbeat ng baby ko sumisigaw na ko sa labor room na hiwain nako. Nirush nila ako sa Operating room Nagmamadali silang lahat 12:05 yun inaayos nila mga apparatus na gagamitin sakin habang ako nakaupo sa wheelchair severe pdin ung contractions ko. Dun sinabi ng doctor ko na cord coil na si baby kasi nag dry labor na pala ako. Pero nakakaloka kasi ako natataranta na pinapirma pa ko ni doc ng waiver. Kahit nanginginig ako sa sakit ginalingan pa din ng ate girl niyo pumirma, nakita ko mga gagamitin sakin dinedma ko na. Hangang sa mga 12:30 yata yun nagstart na ko biyakin. Medyo groggy ako while operation, chika chika pa kami ng mama ko and ng nurse. Pero sobrang kabado nako non ang iniisip ko lang sana safe ang baby ko. 1:01 am sumigaw si doc na baby out then narinig ko umiyak anak ko. Naiyak ndin ako kasi narinig ko na yung iyak niya. Sabi ko magssleep ako after skin to skin. After that sa recovery room tulog ako until kinabukasan ng mga 8ish. All i want to know if my baby is safe. Sabi ni mom safe daw kami parehas. 1pm before ako ilabas sa recovery room pumunta doon lahat ung doctors ko and pedia ng anak ko na need nila dalin anak ko sa malaking hospital para mas macheck nila kasi nakita nila na nagkaJaundice anak ko. Hindi siya normal na newborn jaundice. Sa case namin, Blood type ko is O. Si baby is A. Nasa tummy ko palang naghemolyde na yung blood namin so khit anong gawin ng phototherapy tumataas lng ng tumataas ang bilirubin levels ng anak ko. Sa sobrang takot ko, kahit napakahirap ng healing process ng CS mga momsh, kinabukasan pinilit ko na talaga maglakad as in gusto ko na makarecover agad, kasi gusto ko makalabas agad ng hospital dahil ngkalayo kami agad ng anak ko. 1week after ko madischarge naiwan pa baby ko for another week para sa ibang mga tests, isipin niyo momsh 2week old baby ko nag undergo na sya ng hearing test and MRI para lang ma-make sure ng mga doctor na hindi naka affect sa hearing and sa brain niya yung jaundice niya. Thankfully all is normal after the tests so naiuwi ko na si baby after ilang days. Now my baby is 2 months old and very healthy. Thank you sa mga doctor and sa mga friends and relatives na sumupport and ngpalakas ng loob ko and especially kay Lord kasi hindi niya kami pinabayaan ng baby ko. ♥️ Sobrang hirap man ng napagdaanan ko sa almost 24 hours na labor plus the fact na nagkalayo kami agad ng anak ko, ngayon nakikita ko siya everything is so worth it!! Kaya sa mga kapwa ko momshies na manganganak palang. Kapit and pray lang kay Lord!! Wag kayo matakot and isipin niyo nlang na makikita niyo na ang baby niyo. Kayo mga momsh? Ano ang birth experiences niyo? ☺️

#TeamNovember
14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po

Congrats

5y ago

Thankyou po mommy

TapFluencer

Congrats

Congrats