Sama ng loob

Dito na lang ako magshare mga mumsh kasi siguro dito di ako ijajudge basta basta. Naexperience ko kanina na pagsalitaan ni mama na parang may sama siya ng loob sakin kasi nagbuntis agad ako. Di niya dinirekta pero sabi niya na di ako nakakatulong at wala pang natutulong e nag asawa na agad. Well may point naman siya dun pero sobra naman ata siya sakin mga mumsh dami niyang sinabi kaya di ko nakayanan sobrang umiyak ako and naging sobrang emotionally ganito siguro kahit tapos na maaalala at maaalala mo yung sinabi niya. sakit lang na parang wala akong karapatan e di naman ako nagiging pabigat kasi lahat ng pangangailangan ni baby nabibigay naman namin at kami ang gunagastos mag asawa. ???? bakit ganun siya

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo nalang masyadong damdamin sis. Syempre masakit din sa loob nila yan. Alam naman natin sa pinas, na kokonti lang ang mga magulang na kapag nakapag work or tapos ka sa pag aaral eh hahayaan kana. Karamihan, need mo muna silang payamanin, bilhan ng bahay, kotse etc bago tayo makawala sa kanila. Ganyan parents ko eh. Ayaw ko ng nursing, pero un gusto nila kesyo malaki daw sahod sa canada or sa ibang bansa. Buntis ako sa 2nd ko at manganganak na ko, gusto nila after 1 month mag apply na ko agad ng work. Ung budget namin mag asawa, budget na ng buong pamilya ko araw araw. Wala na sila problema.tubig kuryente lang. Kahit hirap kmi ng asawa ko pinpilit namin makatulong para iwas sabi. Gusto namin magbukof ayaw nila. Kesyo bakit daw ung asawa ko na ang makikinabang sakin. Hanggat andito daw kami ng anak ko sa puder ng magulang ko, kailangan ko daw silang suportahan. Nakakalungkot pero wala kang magagawa kasi magulang mo sila 🤦‍♀️

Magbasa pa