UTI SA BUNTIS

Delikado Po ba Ang pag inum Ng antibiotics pag may UTI?29weeks na Po akong buntis at may UTI Po ako..niresetahan ako Ng oby ko Ng pang 7days na antibiotic tpos Ngayon nag repeat urinalysis ako meron pa dw kc 8-12 p dw ung result kaya mag 3days pa dw ako Ng antibiotic..safe Po ba un?natatakot Po Kasi ako sa side effect Ng anak ko.thank you mga momshie sa sagot.#advicepls #pleasehelp #pregnancy

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tapusin nyo po yung antibiotics. Kasi ako po, halos everymonth nagaantibiotics ako dahil mataas daw po blood infection ko. Dati ayaw na ayaw ko umiinom gamot. Natakot ako kasi sabi ni OB, pwede daw mapunta kay baby yung infection. Pwede raw syang magka-meningitis or yung inflammation sa brain or paglabas raw magka-pneumonia si baby pag di natreat yung infection. Gumaling naman ako sa blood infection pero recently lang na-confine ako dahil may UTI ako. 5-7 lang yung infection pero nagpre-term labor ako. Kaya kung ano binigay ni OB, tapusin lang inumin. Di naman tayo ipapahamak nang mga OB natin. Mas mahirap yung hindi tatapusin yung antibiotics kasi baka maging resistant na sa antibiotics yung katawan, mas mahirap wala na tatalab na antibiotics.

Magbasa pa
4y ago

Walang anuman po! Ingat po kayo lagi ni baby πŸ€— More more water lang din po