Curiosity kills me 🤔🤔🤔

Dapat bang wag paghandaan ang panganganak? May kamag anak kase ako na pinag sabihan ako na wag ko daw paghandaan ang aking panganganak. Wag daw ako mag ipon ng mag ipon. Kung ano daw meron yun lang. Saakin naman kailan ko pa pag iiponan? Kung kailan kabuwanan ko na? 3months to go nalang. #advicepls #1stimemom #pregnancy #theasianparentph Mali ba ginagawa ko?

62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakakatawa naman yang kamag anak mo. ano yun pag nandyan na tska lang proproblemahin?? kaloka. kung kami nga pinaghandaan namin ung sa panganganak namin pero it turns out kulang pa rin. imagine ang nasa isip lang namin ng asawa ko ay manonormal delivery at nakaset sa isip namin ung budget na 100k( private hospital kc) pero it turned out na na emergency cs ako at nagstay pa si lo sa nicu ng ilang araw. so imagine the addl expenses na hindi namin expect. tapos yang kamag anak mo sasabihin sayo na wag ipon ng ipon. mahirap maghagilap ng pera at pagkakautangan sa panahon ng pangangailangan. tama lang na pagipunan nyo magasawa ang pangangak mo para hindi rin kayo aasa sa iba.

Magbasa pa