ABORTION OR NOT ABORTION?
Dapat bang magpa abort ka kung hindi pa kayo ready ng Partner mo? Or dapat Panindigan nyo kung anong ginawa nyo? Let me hear your thoughts.

Naisip ko na minsan magpaabort kasi almost graduating nako sa college. Tapos 5 months na si baby, pinacheck namin para di kami nagbebase lang sa pt. Then the father of my baby and I finally saw her and we also heard her heartbeat kaya yung partner ko biglang naging desididong itutuloy na siya, ako medyo nagdodoubt. ayoko talaga kasi baby ko siya e, ayokong pumatay ng anak ko. kahit na ginawa ko nun is panay inom at nakainom din ako ng medicine once or twice na bawal pala sa buntis. Then after nung naconfirm na namin na buntis ako, kinumpronta ako ni mommy para umamin. so ayun inamin ko na, at first nafeel ko na disappointed sila. pero tinanggap nila at sinuportahan ako. nagiging ok na din lahat at based sa ultra sound healthy naman si baby. 30 weeks and 3 days nakong pregnant ngayon hehe. unti unti ko na din nireready sarili ko sa responsibility. pero hoping ako na pag 37 weeks na siya e lumabas na siya kasi kailangan ko ng pumasok. tbh sobrang ayaw akong iwan ng baby ko kahit nagkadepress depress nako or kung ano pang nagawa kong di pwede sa buntis. Siguro kasi suicidal ako, and she gave me reasons to still be brave and to fight.
Magbasa pa

