Nakapagcheat Nadin Ba Kayo Sa Mga Asawa Nyo? (for Ladies Only)
Confession time. For matured people only. Walang manenermon dahil di ko kelangan mg sermon. ?✌️ Nakapagcheat nadin ba kayo sa bf /lip/husband nyo dati? Anong reason? Ako oo, pero dati un. Di ko na inulit. Kung gusto nyo magconfess, mag- anon na lang po kayo, kwentuhan lang po tayo ?

Never did but it crossed my mind recently lang when I found out na he became a patron ng isang cosplayer sa isang site, meaning he's monthly purchasing cosplay pictures from this girl online whom na meet namin personally sa isang event, she's like professional naman kung professional mong maituturing yung ganun bagay pero kasi when I was with him on the event itself nakita ko din yung kinds of cosplay na ginagawa nya and most of them sobrang lewd as in yung tipong luwa yung kaluluwa tback and yung gitna na lang ng pempem yung naka cover, mga ganun... Sobrang na hurt ako kasi preggy na ako even that time ng event and after pala ng meet up na yun nagcha chat na sila ng girl... Siguro na persuade sya or something pero I felt that he was like low-key cheating sakin... Ang sabi nya inaapreciate lang daw nya yung cosplay, foreigner tong bf ko... and hindi daw nya intention na itago sakin... hindi lang daw nya na bring up agad... And then I found out from him na hindi lang pala itong girl sinusupport nya may 5 others pa.. So parang for me... may kahati na agad kami ng baby ko sa attention and it seems na para syang may sinusustentuhang querida or something... Sobrang sakit lang... Gusto ko sabihin na dyan ka na sa kanila tanginaka pero Di ko sinabi.. Hindi nya din maiintindihan.. Magka-vc kami non nung kinonfess nya to so iyak lang ako ng iyak tas sorry lang sya ng sorry... Naisip ko na dapat papiliin ko sya kung ano mas mahalaga kung yun ba o kami... Perk Di ko din na sabi.. So ayun, Naisip ko na parang gusto ko lang din sya masaktan ng ganun... Pero selfish kasi yun at hindi naman din ako ganung babae... Share ko lang... Sorry naglabas lang din ako ng sama ng loob regarding sa mga cheating na yan...
Magbasa pa

