Strong baby (I just want to share my experience)

Buong 1st trimester bedrest ako + pampakapit, kasi may contractions and internal hemorrhage. Diagnosed with Threatened Miscarriage. Almost every week may check up kay OB. Early second trimester, sobrang pananakit ng buong tyan and puson + hapdi sa pag ihi. Itinakbo ako sa hospital, akala nila early signs of labor, na IE, closed cervix, nagpa lab, diagnosed with UTI. Nagtake ako ng antibiotics for 1 week. Today, June 23, naitakbo ulit sa ER because of bleeding. First time ko mag bleed. Hindi ko alam kung anong process yun pero ginamitan ng Speculum na malaki, for me mas uncomfortable sya kesa sa IE. Closed cervix pero positive sa bleeding. Urinalysis ulit, UTI ulit. Another set of antibiotics. Heartburn. Acid Reflux. Insomnia. Smell sensitivity. Mabilis mapagod. Ihi ng ihi. Body aches. As a FTM, sobrang nakakatakot, kasi wala akong alam. Sobrang kabado, pero I witnessed kung gaano ka strong ng baby ko ❤️ 24weeks na kami now. See you sa October my baby. Pakatatag lang po tayo mga mommies! Malalakas ang kapit ng mga babies natin sa loob. Always pray din po ❤️ Godbless sa inyong pregnancy journey.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same experience, almost all through out my pregnancy bedrest ako. hemorrhage and bleeding sa 1st trimester. Nagka Flu and BV during 2nd trimester, GDM was caught early too. Nahimatay thrice, buti lagi akong nasasalo nang asawa ko and so I had to be referred sa Neuro and Cardio. Literal na bedrest ang ginawa na talaga after. Nag 70/50 ang bp hanggang sa hinighblood on my last few weeks. Baby was double nuchal cord. NaAdmit at 33 weeks because of preterm labor. Hang in there mama! Prayers are your greatest weapon.

Magbasa pa

hi make sure that ur also taking Zinc. or kindly check if may zinc na sa calcium na tinatake mo. zinc helps prevent preterm bor. also if kaya ng budget take kadin Vitamin D3 ,magnesium,bcomplex. lahat yan nakaahelp skin . nakakarelax and nakaka strengthen sau and kay baby

better if water and buko juice na puro lang muna ang inumin lalo pag mataas sa UTI mami.

Laban lang mi, praying for your safety and ur baby 🙏

Hindi ka nag-iisa, common yang mga na-experience mo.

Strong Mom and strong baby 💗 Pray lang po 💗