ORIGINAL Or FAKE
Bumili po ako ng Nursy Wipes sa SaveMore. Nung kumuha ako ng isa para ipunas sa kamay ko, nagulat ako nung makita ko na tinakpan nila yung original na ingredients ng ibang ingredients. Tapos nakalagay unscented pero pag inamoy mo, may amoy naman. Natakot po akong gamitin baka mapano pa balat ni lo kaya sa Watsons nalang ako bumili ulit. Ginagamit ko lang kasi sya twing lalabas or kapag sa gabi na antok na antok ako at cotton balls naman ginagamit ko sa bahay.