First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nga ayaw ng mga byenan ko na ako maglaba ng damit naming mag asawa.. Baka lamigin daw ako..Kakatuwa nga eh.. Hinahayaan nila ung asawa ko ang maglabada.. Pero sinasamahan ko pa xa kahit minsan sinusuway na nila ako.. 🙂🙂🙂 4 months pregnant na ako..