Unwanted Pregnancy.

Hi, bago kayo magalit sakin. Ndi sa pinipilit kong tanggapin yung baby ko, Blessed ako na may baby nako. Magulo ba? Basta di ko maintindihan yung pakiramdam ko. Para nakong nababaliw. Ayoko maramdaman ni baby na ayaw ko. Sa knya, natatakot at napapagod lang kasi ako ? sobrang takot ako manganak, sa totoo lang. At feeling ko, di pa ko handa maging mommy ? pero love ko to si baby. Minsan nga lang naiinis ako na natatakot na di mo maintindihan, advice naman jan. Down na down nako ?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap magbuntis pero mas mahirap pag nanganak ka na. Puyat, pagod at lungkot ang kalaban mo lalo na pagkapanganak mo. Kasama mo ba si bf or si hubby? If oo, maganda na maishare mo sa kanya yung takot mo and para magtulungan kayo sa haharapin nyo. Tsaka sa family and friends mo na andyan, kausapin mo sila. Maniwala ka, mag open ka sa iba and matutulungan ka nila na gumaan pakiramdam mo. Pray ka rin palagi para gabayan ka sa bagong yugto ng buhay mo. Mahirap talaga, lalo na mababago na talaga ang buhay mo pero isipin mo nalang na pag may anak ka na, kakayanin mo lahat para sa kanya, kahit yung mga bagay na once akala mo na di mo kaya.

Magbasa pa