Baby rashes on face

"Baby rashes on face" Normal po ba ito sa baby? Nag alala po kasi ako as a first time mom kaya hindi ako mapakali. May ointment po ba nito? Thank you.

Baby rashes on face
25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede bang magkapimples ang baby? Di alam ng marami ay normal sa baby na idad 0 to 3 months old na magkaroon ng pimples or baby acne. Kaya maraming nagtataka kung bakit maraming rashes ang baby na dapat ay makinis dahil nga baby pa. Ang baby kasi nung nasa sinapupunan pa ay nakakonekt ito sa nanay sa pusod. Lahat ng sustansya ay doon dinadaan papunta sa baby. Aside sa sustansya ay kasali rito ang estrogen na normal na hormones ng nanay. Kahit naputol na ang pusod ay may naiiwan na estrogen sa baby. Ang effect nito ay parang nagiging teenager yung baby, nagkakaroon din sya ng mga pimples na parang teenager. At di lang yun, yung dodo ng baby ay lumalaki rin at maniwala ka o hindi ay may gatas yun kapag piniga lalo na sa idad na 2 weeks to 3 weeks old. Pero di po advisable na pigain ha. Effect po yan ng estrogen sa baby na parang naging temporary adult yung effect sa body niya. In addition meron ding mga baby na nagmemens o yung may dugo na lumalabas sa pwerta sa idad na mga 5 days old. Dahil pa rin sa estrogen. Pero di naman ito uuli after 1 month dahil pakonte na yun hormones. So para sa may mga pimples at rashes na baby wag lang magpanic dahil mawawala lang rin ang hormones galing sa mommy in 3 to 4 months, but just make sure na maayos ang paligo with baby soap at maayos na pagkabula dahil madali rin sila magkabungang araw dahil sa init ng panahon. Kapag ang rashes ay marami sa leeg at singit karamihan yan ay dahil sa pawis. Maayos na pagkaligo ang sagot. Yung iba dahil sa rashes ay di na sila nagsasabon, ay mas lalala po ang rashes kapag walang sabon dahil ang pawis ay di po natatangal ng tubig lang. Ang pawis ay may halong langis yan. Ayon pa kay Sharon Cuneta ang Langis at tubig, ‘di raw mapagsama. Kailang may sabon na bumubula upang matangal ang pawis. Sometimes nagkakaroon ng nana or infection ang rashes, kapag ganoon ay pacheck nalang sa Doctor para mabigyan ng gamot. Dr. Richard Mata Pediatrician

Magbasa pa