Finally! Thankyou God! ????

My baby boy Rou Caleb Borac ?❤ 37W4D / 3.3 kg via Normal Delivery DOB : Feb. 09, 2020 EDD : Feb. 25, 2020 Just wanna share my exp. po sa pag deliver ko sa LO ko. February 8 ng umaga namalengke pa kami ng mama ko tas puro overpass nadaanan namin kaya alam ko na natagtag din ako dun. kinagabihan nanood ako at nag support sa friend ko kasi sumali sya ng millenial moms wala pa ko nararamdaman nun kahit ano basta namamanhid lang paa ko at nangangalay miski discharge wala malinis panty ko. Feb. 9 ng umaga 6:30 am nagising ako kasi medyo masakit yung baba ko iniisip ko normal lang kasi lagi naman ganun nararamdaman ko simula nung nag 8 months sya sa tyan ko. 10am medyo nararamdaman ko mayat maya yung pagkirot ng puson ko 10 mins interval pero sabi ko hindi pa to kasi wala naman paghilab puson lang sumasakit sakit. pinainom nako ng itlog na medyo hilaw ng mama ko kasi bakasakali na din sya. Naligo nako nun para ready kung sakali. 1pm nag 5mins interval na sya pero puson ko pa din so tinitiis ko lang kahit napapapikit at kagat labi nako sa bawat pag sakit ng puson ko pero kung tutuusin parang nireregla lang yung sakit nya. nung 3pm 3 to 2 mins interval nakakangiti pa ko nun kaya sabi ng tita ko wala pa yan kasi nakakangiti pa ko pero sabi ng tito ko tara na nag sabi na din ako ng go signal kasi parang feeling ko di na to titigil sa susunod eh malayo pa hospital at alam ko traffic din. 5pm dating ng hospital pag ie sakin 3 to 4cm wala pa din ako discharge white lang pero hindi sya jelly as in parang white mens lang tas konti lang. so sabi uwi muna ako kasi nung chineck nila ulit nag 1cm pabalik. pero sobra na pagsakit ng puson ko as in napapakapit nako sa upuan di na ko nakalabas ng hospital nun sa hallway lang ako napapaungol nako sa sakit at kinakagat ko na kamay ng lip ko kaya nagmakaawa na mama ko na tignan ulit ako pero sinabi nila umuwi daw ako kasi 20 hrs pa daw panganay kaya daw masakit. nag mamakaawa nako na ics nako kasi 1cm pero sobrang sakit. kulang pag iyak sa sobrang sakit kaya di din ako makaiyak nun sabi ko cr lang ako kasi natatae ako so pag cr ko dun ko nakita may discharge nako na may red tas di ko mapigilan bawat pagsakit ng puson ko natatae ako na napapaire at mas nakakakilabot na yung pain feeling ko mamatay nako ? tas sabi ko uwi na kami sige pero pag tayo ko may blood na tumutulo sakin sabi ng lip ko pag silip namin meron nga kaya nagmakaawa ulit mama ko na icheck ako kasi tumutulo na dugo nagalit pa sila kasi baka daw pinipilit ko imbis na magpahinga muna daw ako sa bahay pagcheck nila sakin mga 10pm 7cm na daw nagalit sila wag ko daw iire pigilan ko daw pero nagkukusa talaga katawan ko sa pag ire pag pinipigilan ko natatae ako at nasusuka kwentuhan pa sila sa labas saglit pagcheck sakin ulit nagalit sila kasi napupu nako tas pagie sakin 9cm at malapit na ulo ni baby kaya nagulat sila dali dali nila ko dinala sa delivery room narinig ko mama ko sinabihan ako na magpray ako tumango lang ako at pagpasok palang ng pinto sinabihan ako tihaya po kaya pag tihaya ko napasabi ako ng God nasa hallway palang ako papunta sa main delivery room narinig ko nagtilian sila at bigla naramdaman ko lumabas na sya buong katawan mula ulo hanggang paa nya naramdaman ko paglabas sinalo nalang nila bigla tas narinig ko na umiyak baby ko. sabi pa ng isang nurse sana all madali lang manganak sabi nung doctor galing umire halatang nag aral sa bahay. tawag nila sakin yung babaeng nanganak sa hallway ? nahihiya ako pero iniisip ko nalang thankyou God kasi nakaraos nako. ang sakit lang ng tahi sakin kasi madami daw tahi kasi walang hiwa kusa syang nawarak ? kaya mga mamsh kung kaya nyo tiisin muna na wag iire wag muna para hiwaan kayo at onti lang ang maging tahi nyo kasi masakit talaga tahi as in ? sa ngayon nakauwi na kami 2 days lang kami sa hospital kakapray ko din na makalabas na sana kami heheh Thankyou talaga kay God! pray pray lang po always super effective talaga. at lakasan lang loob kaya nyo din yan ☺

Finally! Thankyou God! ????
67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Madalas yan ang problema sa hospital sa mga staff nito. Pag nagsasabi ang patient sila na ang nagsasabi na matagal pa eh wala naman silang nararamdaman. When I gave birth to my daughter galit na galit na ang mommy ko kasi sila nagsasabi na wala pa samantalang palabas na talaga ang baby. Kailangan talaga sa nanay matatag at matiisin. Congrats, Momshie!

Magbasa pa
VIP Member

naalala ko rin kung paano ko nanganak di ko mapigilan ang pg ire ko ksi pg di ako iire ako naman ang di makahinga kya napanak lang din ako sa kama.kay pag dating ng nurse kinuha na nila si baby at pagdating ng ob ko nagtahi na lag siya eh.congrats po

6y ago

Edi madami din po yung tahi nyo? kasi mas madami daw po tahi ko kasi nawarak hindi na hiwaan

Same tayo mommy sa RMC din nanganak hehe💕 eto babies ko, twins sila💜 ansusungit ng mga OB jan jusko kahit malamig sa loob ng labor room makakaramdam ka ng init sa sobrang sungit ng mga doctor eh hahaha😂

Post reply image
6y ago

Hndi na po

Congrats mommy, ang galing mo po na endure mo ung walang anesthesia 😅 Nuon din sa first baby ko pinainom ako ng nanay ko ng raw egg. Para daw may energy ako kasi bawal na daw kumain ng kumain kapag nasa labor stage.

6y ago

Oo nga po eh sobrang sakit pero worth it naman pagkita kay baby na malusog ☺

Super cute naman po ni LO mo. Galing mo mommy!!! Truly, God is our Helper. Si Lord din ang takbuhan q. God bless po lagi sa inyo ng family mo and lalo n kay baby...

6y ago

Thank you po. kay God lang po talaga tayo aasa palagi ☺

VIP Member

Sana all kasing strong mo mamsh. Hopefully makayanan ko rin. Congrats sis!!! The pain is worth it nandyan na sa harapan mo ngayon baby mo hehe ❤️

6y ago

Salamat po hehe

Buti kapa momsh.. Ako 3 cm n khapon.. Nglakad kmi khapon kso d tumuloy ung hilab.. Ramdam ko na sya sa pwerta ko eh sbi mama ko baka bumlik dw..

6y ago

Oo nga momsh twing Umaga ko naglalakad tas zumba haha.. Akyat panaog dn kaso puro sakit ng konti lng

I feel you sa first baby ko di ko din mapigilang umire 😅 nagkukusa talaga ang katawan ko nun 😁 by the congrats sayo sis

grabe naman mag assist yang mga nurse jan nkakainis kung ako yan nako baka ibuhos ko ung pain n nrrmdaman ko sa knila!

5y ago

Hahah kung pwede lang po ibigay sa kanila yung pain ginawa ko na. matataray po talaga mga nurse dun.

hi momsh... wow galing mo momsh... asked ko lang po para saan ung itlog na hilaw... thanks po in advance

6y ago

Para po mas mabilis manganak dudulas sya agad