Bat di ko magawa? 🥺

Hi.Ayako sana magtanong dahil alam ko sandamukal na bashing ang matatanggap ko. Sino dito nagssmoke padin kahit malapit na manganak? 🥺 Ano nangyare or effect sa baby niyo? I am trying my very best pero di ko maitigil. naiisip ko kapakanan ng anak ko sa tyan pero di ko padin maalis.. 2nd baby ko po ito. sa 1st baby ko. nakaya ko stop agad. bat sa 2nd di ko magawa.. kada maistress ako, yosi nagiging sandalan ko para marelieve ang stress ko. 🥺

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Smoker ako before I got pregnant, tas nag quit ako cold turkey nung nalaman ko na buntis ako. Tas ayun, di ko alam kung withdrawal or pregnancy symptoms naramdaman ko nun lol, ang hirap. Andaming articles online na maraming side effects ang smoking para kay baby kaya di na talaga ako bumalik. Feel ko, ang best mong pwedeng gawin is lumayo sa mga nagttrigger ng stress mo, or maghanap ng ibang pwedeng gawin mga kamay mo, tas wag sumama sa mga taong usually kasama mo whole smoking. Na-condition na kasi yung utak mo na stress=yosi, so medj mahihirapan ka talaga. Baka basa nalang ng articles sa google tungkol sa smoking while pregnant ganun, para ma-discourage ka, ang isipin mo na ang pinaka best na pwedeng gawin mo for your baby now, is to take care of yourself first.

Magbasa pa
3y ago

Nako pilitin mo momsh yung tita ko before nag stay samin nung preggy sya tinatago pa nya yung pagyoyosi nya kasi pinagagalitan sya ng mama ko pero matigas ulo kaya it turned out na nagka down syndrome yung anak nya. ikaw din mahihirapan kesa tigilan mo muna for now na buntis ka