🩺 Ask The Expert with Dr. Mitch Dado: Postpartum Recovery & Irregular Periods

Mula November 24 hanggang December 1, magkakaroon tayo ng special Ask The Expert (ATE) session EXCLUSIVELY sa theAsianparent app kasama si Dr. Mitch Dado, OB-GYN! Kung ikaw man ay bagong ina, matagal nang mommy, o isang babaeng gustong mas maintindihan ang nangyayari sa katawan niya, normal lang makaranas ng iba’t ibang changes sa menstrual cycle at overall health — kahit hindi ka bagong panganak. Sa one-week ATE, pwede kayong magtanong tungkol sa: 🌸 Postpartum Recovery - Gaano katagal dapat ang recovery? - Pain, discharge, hormonal at emotional changes - Paano naka-aapekto ang breastfeeding sa katawan - Kailan pwedeng bumalik sa exercise o intimacy ⏳ Irregular Periods (Para sa Lahat ng Moms) - Mga dahilan ng irregular cycle sa iba’t ibang yugto ng buhay - Stress, hormones, timbang, PCOS, thyroid issues, at iba pa - Paano naaapektuhan ng pregnancy, breastfeeding, o birth control - Kailan dapat magpatingin sa OB-GYN 💬 Iba Pang Women’s Health Concerns - Pelvic pain - Vaginal health - Fertility questions - Hormonal imbalance - PMS - At kahit ano pang tanong tungkol sa katawan mo Walang tanong na “mababaw” o “masyadong personal.” Safe space ito para sa lahat ng Filipina moms at kababaihan. 📩 Ilagay lang ang tanong ninyo sa ATE box sa theAsianparent app. Sasagutin ito ni Dr. Mitch buong linggo para magbigay-gabay at suporta. ✨ Ang katawan ng babae ay dumadaan sa napakaraming pagbabago sa bawat season ng pagiging ina. Karapatan mong maintindihan ang nangyayari sa’yo — andito si Doc para tumulong. Sali na sa conversation, ONLY sa theAsianparent app, mula November 24–December 1!

🩺 Ask The Expert with Dr. Mitch Dado: Postpartum Recovery & Irregular Periods
52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po. First time mom. 3months postpartum. Lately visible na yung tyan ko na malaki pa din. Will there be possibility na umimpis? And i tried pumping breastmilk for my niece na currently on Nicu, but i notice for the last few days, nag law law dede ko, di na masyado nag leleak pag nag papadede for my lo. I think its because im stress too. Too stress sa blood relatives ko I thought they gonna help me sa baby ko. Mababalik pa po ba yung more breastmilk?

Magbasa pa
3d ago

Hi! Your uterus will go back to its normal size within 6months from delivery so at this time pwedeng pusunin ka pa talaga. If its persists, it probably belly fat but mawawala din to eventually with exercise. As to you supply of breastmilk.. its affected by your nutritional status as well as your emotional state. So try to be as positive as possible 😊. As for your family, you may need to really ask for help kasi baka kala nila you dont need kaya di sila nag ooffer. Try getting them more involved, ask for assistance and trust in the bond that you guys have. Good luck!