Pre Natal Check Up

Hi ask ko lang when dapat magpa check up? Nag PT kasi akong tatlo and positive lahat. Kapag nakakabasa kasi ako ng mga post dito wala pang nakikita sa ultrasound, empty sac pa. Sorry I'm a first time soon to be mom, unexpected so di namin alam ni boyfie kung when ba kami papacheck up, excited kasi siya but nagwo worry ako baka empty pa sac and empty HB. Based sa LMP ko ang gestational age ni baby dito is 5 weeks and 6days.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Magpacheck up ka na as soon as nalaman mo na buntis ka. Importante ang pre-natal checkup kasi mareresetahan ka ng vitamins, machecheck kung kelan ang EDD mo thru transvaginal ultrasound and mabibigyan ka ng request for laboratory. Maganda din na makapili ka na ng OB this early at matanong magkano ang delivery package sa kanya para makapagprepare at maging comfortable ka sa OB mo. :)

Magbasa pa

Once na nalaman mong buntis ka na pa checkup ka na agad kahit ilang weeks palang yan para maresetahan ka na agad ng gamot na pwede sau. Saka ma advice ka rin kung ano mga bawal at dapat mong kainin.. saka para magawan ka narin nya ng request ng transv. Mga 2months ka magpa ultrasound makikita na si baby nyan at heartbeat nya

Magbasa pa

Ganyan na ganyan AOG ko sis nung nag pa check ako. Okay naman. May gestational sac na and HB si baby. Kung wala naman, in most cases normal lang daw yun kasi normally 8th week nakikita. Pero ang importante yung prenatal vitamins mo, maresetahan ka ng pampakapit if needed, and ma confirm din ng OB. Good luck sis!

Magbasa pa
TapFluencer

Pede ka na sis magpa check up. Para maresitahan ka din ng vitamins and to check if may infection ka UTI para maagapan po. If ever na empty sac. Makikita naman dun if mataas HCG mo it means preggy ka and U have to take care of your body and baby. Good luck sis. Pray hard

VIP Member

Pwede naman pa check up ka muna sa ob or center para mabigyan ka ng vitamins then after ilang weeks tsaka ka magpa transv para makita at marinig heartbeat ni baby. Ang mahalaga makapag take ka ng vitamins.

You need a check up na po as soon na maging positive ka para mabigyan ka ng vitamins at maguide ng ob since 1st time mo din. Don't always relay sa mga nababasa or nababasa.

VIP Member

Monthly Check up po sa OB mo. Para atleast namomonitor si baby sa tyan mo at makapagtake ka ng vitamins at folic acid. After 5months pwede ka na paultrasound para malaman gender ng baby mo.

5 weeks and 6 days din ultrasound ko nakaraan and wala pa mahanap n heartbeat.. Repeat ultrasound pa ko after 2 weeks....

As soon as mag positve ka, pwede ka na magpacheck para alam mo yung tamang next step na gagawin.

Pacheck ka na. Ako 6wks nung ngpositive kinabukasan ngpacheck agad. 6wks na pala ako nun.