#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!
Sasagutin ni DR. CRISTAL LAQUINDANUM, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)
Hello po doc..Pwede ko po na iswitch baby ko po sa bear brand jr?Bonakid po milk nya ngayon ..And may may diarrhrea po kasi baby ko ..Nagtext naman po ako sa pedia nya kung ano po pwd inumin binigyan po ako ng Hidrasec ..Ask lang po doc kung panu ba yun timplahin? ilang ml po ba ng water kelangan ?
68. Good evening doc. 1 month na po si baby at schedule nya for immunization sa April 6. Pwede po ba I postpone muna? Masyado po kasi risky ilabas si baby. And may rashes po siya sa mukha hanggang leeg at ulo. Pwede po bang maging factor yung milk nya (enfamil a+ one)? Mix po siya. Thank you
Hindi normal na panahon ang kinakaharap natin ngayon. Ang official stand ng PIDSP (Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines) ay huwag i-delay ang schedule ng bakuna. Pero naiintindihan ko na mahirap din gawin un dahil sa COVID19 at enhanced community quarantine. Baka wala din masyadong pedia na nagcclinic kasi we need to flatten that curve. Pwede nyong icheck sa health center / ospital / clinic malapit sa inyo kung nagbabakuna pa sila. Pero, in my personal opinion, kung papanatilihin natin healthy at walang sakit ang mga tao sa bahay, at hindi din naman kayo exposed sa ibang sakit, hindi din magkakasakit si baby. Pwedeng habulin ang mga delayed vaccines after the quarantine (except sa Rotavirus na hanggang 8mos lang). Sa rashes, maraming pwedeng cause ung rashes. Pwedeng sa allergy, pwede din infection. So hindi ko mabibigyan ng final answer ung tanong mo sa rashes, pasensya na.
92. Hello po doc, tanong ko lang po kung okay lang po ba ipagpaliban muna ang iba pang mga vaccinations ni baby? naka six weeks na po kasi siya. na newborn screening naman po siya. May BCG at oral polio rin po. dahil nga po sa pandemic hindi kami lumalabas ng bahay. Thank you po.
Thank you po, doktora, God Bless and stay safe po. 💕
37. Hi doc ask lang po kung pwede po ba paliguan si baby ng 2 beses sa isang araw? Umaga po at hapon? Kasi nagsasabe po sya ng mainit. 2 years old na po sya. At kapag mataas po ba yung temperatura ng baby ko normal po ba un kasi mainit ung panahon? 37 pataas po. Salamat doc!!! 😊💖
Pwedeng pwede po paliguan ng 2 beses sa isang araw. Di sya nagcacause ng sipon o ubo kasi virus o bacteria ang nagccause nun. 38C pataas po ang lagnat :) Pwede pa din paliguan kahit may lagnat pero maligamgam na tubig at mabilis lang kasi mabilis silang ginawin.
16. Hi dok ask ko lng po kng bakit gnito yung baby ko nka formula po siya pero may nppnsin po ako na mga rashes na hndi pula sa mukha niya hanggang leeg nid ko po ba plitan ang milk niya? kng pplitan ko po ano po san ang mgnda? going 4 months palabg po siya dok 😊 salamt po sa sagot
Pwede nyo pong palitan ung formula ng ibang brand. If nakakapagbreastfeed pa kayo, better din.
Gud eve dok. Tanung ko lng po kung tama po b ung dosage na 0.6ml na ceelin drops pra s baby kong 4months na 8.1kg pro last feb p po yang weight nya n yan hnd ko npo alm kung ilan n weight nya ngaun. Atsk dok anu po bng effective na vitamin c for 9 and 12yrs old po? Tbx dok
hello po! tapos na po ang session na ito. but dont worry po, meron po tayong mga doctors na sasagot ng mga tanong tungkol sa kalusugan ni baby. dito po i-post ang inyong tanong para po masagot nila: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0402-pedia-official/1879531
74. Hi Doc, Ask ko lang po ano pong Vitamins ang pwedi sa 3years old baby ko, Kasi simula po nong baby siya once po nainom ng vitamins nagkakasipon or ubo siya. Nagtry po ako ng ceilin kaso sinusuka po niya maasim daw oo. Ngyon po gusto ko siyang painumin ng vitamins, Thank you po
Thank you po doc.
Goodeve Dra. Yung baby ko po formula milk sya okey lang ba na painumin sya ng tubig after feeding ? Parang ang lapot na kase sa lalamunan nya may halak na sya ... ano din po pwedeng gawin pag kinakabag sya sobrang iyak nya sa gabi panay utot .. salamat po sa reponse ..God bless
hello po! tapos na po ang session na ito. but dont worry po, meron po tayong mga doctors na sasagot ng mga tanong tungkol sa kalusugan ni baby. dito po i-post ang inyong tanong para po masagot nila: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0402-pedia-official/1879531
gud eve doc. im 37weeks and 4 days pregnant, tanong ko lang po doc. sumasakit tyan ko twing gabi,2 nights na po na ganun pero nawawala din.. is it a sign of labor? .. pero no discharge pa po. di po kasi ako makalabas para makapagpacheck up.. thankyou and godbless po
bukas pa po ang OB natin, 1-3pm. Pedia po tayo tonight. baby health questions po. thank you! https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0326-kristen-canlas/1841076
Doc 34 weeks and 6 days po ako ngayon and had my ultrasound earlier. Yung fetal position ng baby ko is breech, my question is, are there any ways na bumalik siya sa cephalic position? Gusto ko po kasi ng normal delivery. Waiting for your reply doc , salamat ❤️
Ay sorry po 😔
The Asian Parent PH - Head of Content | IG: @candiceventuranza