Advice Please
anyone na nag pure formula milk po?kumusta naman po?.. frustrate na po ako kasi hina ng supply ng milk ko :( #FirstTimeMom #2weeksoldbaby

ako momsh 3 mos palang super wala na gatas. 1 month palang kumonti na gatas ko kahi pure BF si baby. Lahat na ginawa ko, unli latch, malunggay, more water etc. para madagdagan BM ko kaso wala pa rin kaya nag mix na kami agad 2 mos si LO. Nagsabi ako sa pedia ni baby na di ko na kaya mag BF kasi walang wala na, umiiyak lang anak ko pag nagtry kami kasi wala siya makuha. Sabi naman ng pedia okay lang yun, importante talaga is maalagaan mo si baby at sarili mo. Di nakakabawas ng pagkananay yung pag Formula momy. Basta naaalagaan mo, yun ang mahalaga. Wag ka paapekto sa mga sinasabi ng iba. pure FM na anak ko since 3 mos. 1 year old na siya ngayon. Malusog naman, matalino, bibo, active.. nothing wrong with her 😊
Magbasa pa

