bartholin's cyst

Anyone here na may bartholin cyst? Kamusta pregnancy journey nyo hanggang labor? Pashare naman.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako merong bartholins cyst din po for almost 8years ko nang iniinda kasi pabalik² sya. 2013 nong una akong magkaroon, hindi pa naman ako nakikipagtalik noon ah kaya diko alam bakit tumubo out of nowhere 😔 Pumuputok at nagddrain sya ng kusa kaso nagsasuffer muna ako ng how many days na nakahiga lang at napakasakit talaga. Nong buntis ako sa first baby ko, 4x sya bumalik ooperahan din sana ako kaso di natuloy. Nong naglabor po ako andon din yun, malaki sobra mabuti nalang nakatutok ang mga doctors saken at mabuti nalang una syang pumutok bago ako manganak. Pagkaputok nya nilinis nila tapos nanganak ako non normal delivery lang naman. Sa pagkakakita ko, bumabalik sya tuwing napupuno ng acid ang katawan ko base sa 8yrs ko neto. Hindi ako nagpasurgery kasi sabi ng doctor, may tendency na babalik at babalik padin sya kahit maoperahan eh. Takot ako sa surgery plus sayang pa pera kaya iniinda ko nalang pero nakakapagod po at napakasakit pag nagiging abscess na. Buti nakakaya ko, now pregnant ako sa 2nd baby ko, nasobrahan sa maalat at maasim, bumalik. Naka bed ridden nanaman ako now. 😔 Pag healthy eating naman usually di sya bumabalik in a year pero pag di maiwasan, ngayon once or twice a year balik pero noong di pako health conscious grabe halos 4x a year pagsasuffer ko 😭💔

Magbasa pa