Team October..
Ano pong magandang gawin para tuloy tuloy ang pagbukas ng cervix? 2-3cm dilated na po ako. Pero pinauwi pa ko kasi wala pa kong pain na nararamdaman.. Ano po bang magandang gawin?

Lakad squat mommy. Oct 8 ng madaling araw dahil may bloody show na, takbo kami agad sa hospital pero nasa 1cm ako nung so I decided na umuwi muna. Though ramdam kona yung contractions ni baby pero tolerable pa. Pag-uwi ko, Lakad at squat ang ginawa ko, nakapaglaba pa ako. 8 ng gabi din, yung interval ng contractions lumalapit, nanakit na balakang ko, pempem ko at hindi nawala yung bleeding na pakonti konti. Madaling araw hindi nako pinatulog sa sakit then 6am takbo ulit sa Hospital , ayun 9cm na agad. Oct 9 at 9:25am Baby is out. dalawang oras ako sa delivery room, cordcoil si baby pero thankful ako kay God nainormal ko parin.
Magbasa pa


RMT