Ano po pipiliin nyo? May chance kasi ako pumunta sa abroad nandon kasi papa ng baby ko kaso hindi ko pa madadala si baby kasi mahihirapan pa yong papa nya na kunin kaming dalawa. Ayoko namang iwan si baby dito. May mag-aalaga naman nandito naman kapatid ko at mama ko. Namimilit na yong partner ko to the point na nagagalit na siya sa akin. Palagi ko sinasabi na susunod ako pero hanggang ngayon nandito pa rin ako. Ayoko kasi iwan ang anak ko. Ayokong masira ang nasimulan ko sa kanya. Ayoko masira ang routine nya. Wala pa ring tatalo sa alaga ng ina. She is 16 months now.
Kung kayo po sa kalagayan ko ano po gagawin nyo?