ex suitor vs husband

Ano nakita mo sa asawa mo na wala sakin? After 5years ata mga sis hindi kami nagkita nangmanliligaw ko ka province ko sya hindi ko kasi alam na umuwe din sya province namin kasi alam ko nasa dubai na sya. Kilala ang family nya sa lugar namin boto sakin lahat sa kanila kasi kilala nila ko pagkabata palang actually kapag hinahanap ako ng parents nya sinasabi nila sa mga ate ko. Nasan na yung maganda kong manugang.!? Nagtry naman ako mga momsh andun kami sa dating stage na pero wala talaga eh alam.din sa lugar namin na niligawan nya ko ng matagal kasi ba naman palagi nagpupunta sa bahay magugulat nalang ako may tumatawag sa pangalan ko or kaya mga bata samin tatawagin ako sasabihin sakin. Tita andyan na yung nagdedeliver ng bigas. Hahhahaha. May sarili silang bigasan pero kapag si mama ko umoorder free deliver samin at sya pa nagdedeliver kaya nasanay mga bata dun samin. Kung tutuusin mga momsh secured na future ko dun kaso hindi ko ba alam kasi wala pa sa isip ko nun mag asawa saka ayoko na mag asawa ng taga dun samin. Pumunta ako dito sa manila vacation lang sa mga kapatid ko nagustuhan ko dito kaya nung naka graduate ako ng college pumunta ko ulit dito para magwork saka ko nakilala si hubby. Kasal kami at may baby 2years old. Nung tinanong nya ako nyan nasagot ko. Asawa na kasi hanap mo nun na wala pa.sa isip ko gusto ko pa mag explore sa buhay gusto ko pa Ienjoy pagiging dalaga ko kaya na pressure ako sa inyo nun mas minabuti ko ng umalis dito para makaiwas sa inyong lahat. Umiyak sya mga momsh kasi hindi daw nya akalain na ganun na daw ako napepressure. 2nd question: minahal mo naman ako dba? Me- hindi kasi kung minahal kita eh d sana pumayag na ko na maging jowa kita. Saka kalimutan na natin mga nakaraan parehas na tayong may sariling pamilya mahalin mo asawa at anak mo kasi sila.kayaman mo.Mahal ko asawa ko at anak.ko.hindi ako gagawa ng dahilan para masira yung pamilyang pinaghirapan namin ng asawa ko. Iyak sya mga momsh. Ayun kinabuksan nakita ko ng papa nya Sabi nya sakin. Lakas pa naman ng loob ko nun na kayo magkakatuluyan ng panganay ko sa totoo lang anak ayaw namin sa asawa nya ngayon kasi halatang pera lang habol nakikipag hiwalay na si michael dahil puro luho lang alam pabili dito ng alahas bagong model ng cp mamahaling damit rebond dito rebond dun. Bil mo ko nun bil mo ko nyan. Nagustuhan ka namin anak dahil bata ka palang alam mo na yung salitang magsumikap alam namin na kapag namatay kami mag asawa sa mabuting kamay mapupunta mga pinaghirapan namin at sayo yun pero hindi ka pumayag kahit sadya na namin ipakita sayo yaman namin para masubok kung mahal mo talaga anak nmin pero bilib ako sayo.. Napaisip ako mga momsh kung yun kaya nakatuluyan ko ano kaya buhay ko ngayon mahal ko na ba sya or hanggang ngayon hindi parin. Hindi ko masabi sa kanila na matagal ko nang makipaghiwalay sa asawa ko dahil sobra ang pagka mama's boy ayoko na isipin nila nakipag hiwalay ako para sa pera. May pera naman sila hubby hindi lang ganun kalaki yung bang nakakakin ka ng 4times a day.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag isipan nyo po ng mabuti momsh. Malay po ninyo kayo po talaga para isa't isa 😊