sino nanganak via CS?

ano feeling mommy? sa mga nanganak via CS? natatakot kasi ako, transverse position si baby. CS daw ako😭 Im 35weeks pregnant. #1stimemom

sino nanganak via CS?
13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din sabi ng Sonologist ko before, traverse daw position ni baby noong nagpacheck up na ako ulit sa OB ko to submit yung result ng ultrasound ko, sabi niya sa akin, iikot pa daw si baby. so ayun nga umikot at nai-normal ko naman si baby hindi nga lang si OB ko ang nagpa anak sa akin kasi umuwi ako ng province dahil ayaw ko manganak sa manila dahil kasagsagan ng covid, nanganak ako sa Lying-in. Iikot pa yan at sabayan mo ng prayers, mag lakad lakad ka din para hindi ka mahirapan sa panganganak🙂. God bless

Magbasa pa