Almost 5 years na kami ng partner ko sa relationship namin. 4 years yung bf/gf and mag 1 year palang kaming live in. May isa kaming anak na mag 1 year old palang din this coming June. Our child who's the main reason why I settled with him in this live in set up. Dapat talaga papakasal kami. Dami lang niyang reason not to marry me. First and foremost, kulang daw financially when I don't even insist on having a grand wedding. Makapirma lang kami sa papel ok na ko eh. But then, nagdududa ko kung yun ba ang talagang rason kung bakit up until now eh di kami kasal. Nahuli ko na naman kasi siyang katext yung ex gf niya na ginawa siyang kabit. Yes, kabit. Kasi si ex gf ay may asawa na at may 3 kids na din sa kinakasama niya. Though hindi ata din kasal sa partner. The mere fact na nagtetext sila ngayon at ineentertain ang isa't-isa knowing na ikakagalit ko eh mas nakakagalit. Nanginginig yung mga laman ko literally. Totoo pala yun. Akala ko sabi sabu lang na nakakapanginig ng laman. May ganung pakiramdam pala talaga. Mainit na mainit na malamig at the same time habang parang nilalamukot ang kalamnan mo, that feeling. I texted the girl. Me, the ever polite legal wife peg kahit di pa kasal has always been yeah, polite. Hindi ako nakikipagbangayan sa text sa ex gf niya. All I do as always eh text her just to let her know that I know their cheating on my expense again and again and again.
Alam din ng partner ko na nahuli ko na naman sila. Siya yung niraratrat ko sa text war pag galit ako sa pagkakahuli sa kanya. I don't get mad easily. Si ex gf lang talaga ang isyu ko sa partner ko simula't sapul. Alam na alam naman niya yun. Pero sa almost 5 years namin, paulit ulit siyang nagkakamali sa iisang babae. Should I be happy na iisang babae lang yun at di nag-iiba partner ko? O mas dapat akong magalit kasi siya at siya din nga ang pinipili over me?
Di ko kasi matanggap. Once is a mistake. Pero naman mga 'te! Mag 5 years na... Mistake pa bang matatawag yun? Choice na yun eh. Nakakagalit. Gusto ko manakit. Naisip ko na din na maglaslas na lang ng pulso. Baka that way, pag wala na ko eh sumaya na sila. Baka kailangan ko lang pala mawala sa eksena.