2 weeks old..sharing our adventure
Alhamdulillah! nakaraos na po kami ni baby @38weeks ..share ko lang experience namin.. EDD Sept.19, Date of delivery is Sept.5.. Sept.3 palang may brownish discharge na sakin pag gising ko pero wala akong ibang nararamdaman kundi usual bh(braxton hicks) lang.. Lagi ako nagdadasal na sana makaraos na para masulit namin ni baby ung 105 days na leave ko..nagstart kc leave ko last sept.2 lang. Sept.5, around 7:30 pag gising ko umihi lang ako then may discharge nanaman and this time hindi lang brown kundi blood na.. So mejo nagexpect na ako na baka this is the day we've been waiting.. 7:45 nakaramdam na ako ng contractions na akala ko bh lang nanaman kc bearable naman..hanggang sa ang intervals nlng ay 5 mins-15 mins. Sabi ko, ito na nga siguro yon. Di pa ako pumuntang lying in kc bearable pa naman ang sakit at baka pauwiin lng ako. Sayang pamasahe, mejo malayo layo pa naman.nagdouble check ako ng documents at mga gamit namin para sa delivery..hanggang umabot ng hapon, mejo nawala wala ang contractions kaya nagdecide ako maglakad lakad para matuluyan na nga.. Nahintay ko pa hubby ko umuwi from work bago pumuntang lying in. around 7:30 PM nang dumating kami sa lying in, I.E result is 5cm! My gosh sabi ko, 5cm na pala ako bearable parin naman ang sakit.. Hanggang sa lumipas ang 2 hours patindi na ng patindi ang sakit.. 10:30PM Hindi na maipinta mukha ko at panay kapit ko na sa asawa ko. Pinapahimas ko dn likod at balakang ko nakaka soothe kc.. Saka pa lumapit itong midwife tinatanong ako ng kung ano2ng info.. Nakakabwiset! Kung kelan humihilab na ng bongga saka kayo magi interview! (Pero sa isip ko lang yon.haha) Ang sabi ko lang, 'sakanya niyo nlng itanong' (pointing to my hubby) habang ako di na malaman kung anong pwesto maigi maibsan lang kahit konti ang sakit. Pumutok na panubigan!!! 'Ayan na! Lalabas na! Sabi ko nlng..and everyone ay nataranta na..diretso delivery room.. 'Wag ka muna iire' sabi nila habang getting ready sila. 'Anong wag iire? Sobrang sakit na, mapipigil ko ba yon?(syemre sa isip lang ulit) ..ang nasabi ko lang 'Di ko na po kaya pigilin', sabay ire!!!!. Parang biglang naging first time ang lahat though 2nd child ko na ito. Nakalimutan ko na umire.. Nagi-instruct sila pero parang di pumapasok sa utak ko, ang nasa isip ko lang 'iire ko to kung pano ko gusto umire!!!' Nakailang ire, napunit, tinahi, at ito na nga!!! Woooh! 10:55, Baby's out! Grabe..worth it ang lahat nang nakita ko at narinig ko na iyak ng baby ko.. Sobra. Maraming salamat sa mga mommies dito na hindi madamot sumagot at magshare ng experiences. It's true na iba2 ang journey natin sa pregnancy pero it really helps parin to know difderent experiences para in case mangyari, alam na natin gagawin .. Good luck sa mga expecting mommies and God bless! ? PS: Municipal Lying in, wala kaming ginastos kahit singko, sila pa ang nagbigay ng pagkain samin. Under philhealth ang lahat.Kasama na newborn screening and birth cert. God Bless them.. βΊ
MakunaMatata