Palabas ng Sama ng Loob

Ako lang ba yung inis kapag may gumagamit ng gamit ko? Like personal belongings: Laptop? Kasi eto po experience ko, ako po may ari ng laptop and may kapatid po partner ko 11 years old. Inis kasi ko ng sobra kasi bakit sa nanay pa nila sya nag paalam na gagamitin yung laptop na ako naman ang may ari? Gago ba? May isip na sya, oo alam ko bata sya pero grabe, really? Sa nanay talaga? Ako may ari pero sa nanay sya talaga nag paalam? Lol kagigil diba? Pinapagamit ko naman sya kasi youtube lang naman ginagawa e, pero Student kasi ako, Psychology Major which is puro paper works, syempre for us na Psych Major e buhay namin talaga ang Laptop. Ang pinuputok lang ng buchi ko e yung di sya nag paalam saakin hahahahaha. Yun lang naman, sobra sobra nang pasensya inaabot nila sakin. Konting konti nalang masasagot ko na kapatid at magulang ng partner ko talaga. Nakakagigil sobra. Iba rin kasi ugali ng mga in-laws ko e. Tumitira patalikod. Nag papaantok palang ako kanina kaya nakapikit ako ang siste kasi, nandito na nga sya sa kwarto kasama ko, gagamit pala ng Laptop abay hindi pa sinabi saakin. Bwisit diba? Tulad ng magulang nyang nagpalaki sa kanya, bwisit. Thankful talaga akong yung partner ko di nanay nya nag palaki sa kanya, atleast responsable ng onti, hindi tulad nila. Malas lang ng magkakagusto sa kapatid ng partner ko. Mama's Boy ? Advice naman po dyan kung ano pang dapat kong gawin bukod sa habaan pa pasensya. Salamat po

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi mo nga sis psychology student ka, why not gamitin mo yung reverse paychology?? Oo sabihin na nating may isip na yung 11 y/o pero tulad ng ibang bata natatakot yan sya magpaalam sayo o kaya nahihiya. Next time sabihin mo sa kanya habang nagamit sya ng laptop mo “sa susunod na gusto mong gamitin yung laptop ni ate sa akin mo nalang ipagpaalam, kasi hindi naman ako nagagalit kapag ginagamit mo. Basta iingatan mo lang at wag kang magbubukas ng mga files ko. Kung gusto mong ilipat yung pinapanood mo, tawagin mo pang ako.” Minsan kasi need nating mag-adjust, go down sa level ng mga bata para mas magustuhan tayo. Kaya ka siguro nagagalit din kasi sa MIL mo ipinagpapaalam at oo agad sya. Icorrect mo din minsan yung MIL, malay mo akala nila okay lang sayo na kapg ipinagpaalam sa kanila okay na yun. Nasa pag-uusap naman po yan.

Magbasa pa