Palabas ng Sama ng Loob

Ako lang ba yung inis kapag may gumagamit ng gamit ko? Like personal belongings: Laptop? Kasi eto po experience ko, ako po may ari ng laptop and may kapatid po partner ko 11 years old. Inis kasi ko ng sobra kasi bakit sa nanay pa nila sya nag paalam na gagamitin yung laptop na ako naman ang may ari? Gago ba? May isip na sya, oo alam ko bata sya pero grabe, really? Sa nanay talaga? Ako may ari pero sa nanay sya talaga nag paalam? Lol kagigil diba? Pinapagamit ko naman sya kasi youtube lang naman ginagawa e, pero Student kasi ako, Psychology Major which is puro paper works, syempre for us na Psych Major e buhay namin talaga ang Laptop. Ang pinuputok lang ng buchi ko e yung di sya nag paalam saakin hahahahaha. Yun lang naman, sobra sobra nang pasensya inaabot nila sakin. Konting konti nalang masasagot ko na kapatid at magulang ng partner ko talaga. Nakakagigil sobra. Iba rin kasi ugali ng mga in-laws ko e. Tumitira patalikod. Nag papaantok palang ako kanina kaya nakapikit ako ang siste kasi, nandito na nga sya sa kwarto kasama ko, gagamit pala ng Laptop abay hindi pa sinabi saakin. Bwisit diba? Tulad ng magulang nyang nagpalaki sa kanya, bwisit. Thankful talaga akong yung partner ko di nanay nya nag palaki sa kanya, atleast responsable ng onti, hindi tulad nila. Malas lang ng magkakagusto sa kapatid ng partner ko. Mama's Boy ? Advice naman po dyan kung ano pang dapat kong gawin bukod sa habaan pa pasensya. Salamat po

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

As a psych student siguro mas malawak pag-intindi mo diba, like why that child behaves that way. 11 years old pa lang yan. Kagaya rin ng sabi ng mga tao rito, malamang natatakot yan magpaalam sayo kaya kumbaga nanghihingi ng back up sa magulang nya. The right response ng parents should be, "Ask mo si ate." Siguro response nung magulang ay oo lang basta kahit di kanila yung laptop kaya g na g ka. Ngayon why not correct that child? Na kapag halimbawa lalapit na sayo para manghiram, tell him/her na "Next time, sa akin ka na deretso magsabi ha. Iniingatan ko kasi yung laptop ko and mas maaappreciate ko kung sa akin ka magpapaalam kasi ako yung may-ari." If okay mag-isip yung bata, maiintindihan nya naman yon. If not, then it's not your fault and pwede namang di mo pahiramin kasi gamit mo nga yan. Natry mo na ba yun, parang hindi pa kasi. No offense 😊

Magbasa pa
6y ago

Thank you po, yes I understand naman pero kasi po base sa ugali nila kasi dito, masyadong spoiled yung bata, na ultimo ako pinakikisamahan ko ng maayos e parang walang pakielam. Yung alam naman nyang natutulog pamangkin nya, kahit pagsabihan ko ng mahinahon na kung pwede paki-hinaan yung TV e wala pa rin pong pakielam, kaya naisip ko kung hindi madaan sa maayos na pakiusapan e tratuhin ko syang parang wala lang. May utak na rin naman na po kasi yun, hindi naman po pwedeng idahilan na porke bata, kaya po ganon ugali e, masyado po kasi nilang tino-tolerate. Di ko man po masabi sa magulang ng partner kasi baka ma-offend sila and one reason din po yun kaya ayaw ko mapalapit anak ko sa mga Lolo at Lola nya kasi po masyadong konsintidor. Ayaw ko pong lumaki anak ko ng ganon, na bandang huli ako magsisisi kung bakit nung bata e di ko na pinutol ang sungay. Sana po maintindihan nyo πŸ˜… salamat po.