☹First time pregnancy

6weeks na si baby , nalaman ng parents ko I was pregnant. So wala nako magagawa kundi tanggapin yung consequences, nagalit sila and lahat na ata ng masasakit na salita sinalo ko. I'm already 23 I finish my college but still I became a big disappointment since ako lng nagwowork. At first , puno tlga ko ng regrets, parang umabot nako sa point na ayoko na ituloy pero naisip ko din na mdme gsto magkababy kaya bat ko sasayangin yung napakagandang blessing na pinagkaloob ni God. Hearing those words.. "tanga, babaeng puta, bobo, malande" from a parent, gumuho talaga mundo ko, words don't have blades but it really wounded my heart. Parang buong buhay ko na dadalhin ang salitang wala akong kwenta. ☹? I can see in their faces na sobra silang nadisappoint saken. And everytime na may sskit sakin.. nagsosorry nalang ako kay baby, na kapit lang andito lang si mommy.. you will never be a disappointment, ikaw ang pinakamagandang ngyre sa life ko, kahit ano iwas ko mastress, sobra ako nadadown, parang wala na ako nagawang mabuti dahil lang sa ngyare toh, I still convincing myself na galit lng sila at marami pa sila pangarap sakin. Someday I will make you proud at hindi magiging hadlang si baby dun. ? All I want now is a peace of mind, ayoko na umiyak ng umiyak ☹ ayoko na mastress. I am bearing another life inside my tummy, Iloveyou my bb. Please be strong for mommy, magiging okay din lahat. -C

☹First time pregnancy
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same. Ako sis 22 lang turning 23 this year. And im 5 months preggy. Kaya yan. Wag kang papadaig sa stress. Okay lang umiyak thats normal but eventually magiging maayos lahat. Lalo na pag tumagal. Kapag nafefeel mo ng gumagalaw sya. Lahat ng pain worth it. Ganyan din ako even until now. Mga parents it takes time for them na matanggap pero sure lilipas din yan. Kahit yung daddy nya hindi pa kami ganun ka okay. Gawin mo lang yung best mo for the baby. Sabi nga nila pag labas ng baby mo matutuwa din sila. Tayong mga first time hindi talaga alam gagawin. Kakapain lahat ng bagay. Maging strong ka lang, eat healthy foods magpacheck up ka monthly and take the necessary meds. Kapag sobrang stress kna talk to someone. Minsan okay din makipag usap sa anonymous people lalo na pag pareho mong magiging nanay na or yung mga nanay na mismo. Minsan need lang natin mag vent out tapos okay na ulit. Yung pagiging strong talaga kailangan mo kasi mafefeel din ni baby yan wag kang magpapadaig sa mga sinasabi ng iba. And always pray. Stay strong momshie. Pumaligid ka sa mga positive na tao. Congrats sa blessing mo 🥰

Magbasa pa

Nabuntis ako ng age 19, 3rd yr college that time, nursing pa. Mahirap lang kami, pero wala eh, nabuntis ako 😅 Ganyan din sila sakin. Halos ayaw na ko pag aralin nga eh. Galit na galit sila sakin. Pero di ko na masyadong inisip pa sila, ang focus ko kase yung anak ko, natatakot akong may mangyari. Alam kong mapapawi din yung galit nila. 2 lang kami magkapatid panganay pa ko si bunso 10yrs old lang. And now 22 yrs old kaga graduate lang nung nov, buntis nanaman 😂 5months. Pero this time natuwa naman sila. Kase kahit papaano nakakaluwag naman kami sa financial ng asawa ko, tumutulong akk dito sa bahay ng foods, bills, etc. Never kami umasa para sa gatas diaper ni baby. At higit sa lahat, masaya sila sa sayang dinadala ng anak ko araw araw dito sa bahay. Ngayon lang sila magagalit sis, pero pagdating ng time na nanganak ka, halos araw araw yan di nila tatantanan anak mo. Araw araw may sayang maidudulot kase araw araw may bagong discover. Isipin mo na yung anak mo yung makakasama mo hanggang sa mawala tayo. Sila ung pinaka malaking yaman natin..

Magbasa pa

para saken lang po mommy, hindi naman dapat sila madisappoint in the first place kasi nakatapos ka naman ng pagaaral eh. imagine kung nabuntis ka habang pinagaaral ka nila? diba yun ang mas disappointing. diko gets bat may mga ganyang parents. ginagawang gatasan lang yung anak ending hindi makaipon para sa sariling future. sana mamulat ang mga magulang ngayon na hindi sila nag anak para gawin nilang hanap-buhay sarili nilang mga anak. ewan ko ba bat ganto sa pinas eh. dapat pag nag-anak ka, ikaw ang magpprovide sa anak mo. pag napatapos mo sila, be proud kasi greatest achievement mo yun para sa kanila eh. pag regularly nag give back ang anak sayo be thankful, kasi di naman nila necessarily obligasyon yon in the first place. pag bihira magbigay, be thankful pa din. atleast makita mo lang silang nakakaya na nila sarili nila and may magandang trabaho at hindi nalulong sa bisyo. Saka ka humirit as a parent pag nakita mo na yung anak mo malaki na ang kinikita tipong may sarili na negosyo or mataas na posisyon sa isang kompanya. Ayun mas agree ako siguro dun.

Magbasa pa
5y ago

pakita mo lang na kaya mo, tiyak yan kakainin nila mga sinabi nila paglabas ng baby mo. baka ending sila pa magkusang mag alaga sa baby kasi matutuwa sila pag nakita na nila. sa una lang siguro sila ganyan out of sama ng loob. ang nakakainis lang sabihan kang tanga, puta, etc. nakakagigil eh. ok lang magalit sana sila kaso harsh words that came from their own mouth syempre sobrang sakit. and tatatak talaga sa utak mo yan.

27 ako when I got pregnant sa boyfriend ko. Graduate din ako, and by that time 8 years na nagtatrabaho at maganda sahod. Pero nung sinabi kong buntis ako kulang na lang palayasin ako ng parents ko. Gusto nila magpakasal kami ng boyfriend ko. Oo matagal na kami 4 years na kami nung time na un pero ewan hindi pa ako ready magpakasal, even until now 5 years na kami. Pero never ko naisip na hindi ituloy ang baby ko kasi sya ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. 🥰 Wag ka mag-alala ganyan kasi talaga ang kultura ng mga Pilipino. Minsan toxic, madalas TOXIC! Lol pinapatawa lang kita. Anyway eventually magiging okay din ang lahat, pag nakita na ng parents mo ung baby mo ay sinasabi ko sayo matutuwa sila. Pero sana dumating sila sa point na suportahan ka na lang sa pregnancy mo na tulad ng family ko. Kaya mo yan be strong for your baby. 😊

Magbasa pa

Hope you feel better soon sis. Sa akin kasi kabaligtaran na reaction nakuha ko from my family. Since namatay papa ko last November 2019, at may partner naman ako na kasama namin sa baby (together with my family) si mama lagi na sinasabi na magbaby na kami since sobrang okay naman yung partner ko. Kaso may problema that time, may PCOS ako. Until netong december di ako nagkaroon though regular naman ako. January 5 ng mag pt ako nag positive. Then na confirm ko thru tvs na 5w6d na ko pregnant. January 18 ng sinabi ko sa mom ko, and her reaction was priceless. Sobrang saya nya at sinabi na si papa talaga ayaw kaming malungkot kaya nagpadala ng angel na magpapasaya sa amin. Tama naman sis na sa situation mo maaring galit lang sila dahil marami pa siguro sila gustong ma achive mo. Cheer up sis!

Magbasa pa

Inhale exhale momsh , sa umpisa lang yan .. matatanggap din nila , cguro dahil malaki expectation nila sayo kaya ganyan cla ka disappointed. Baka gusto nila na mkatulong ka pa sa kanila or may gusto cla na ma achieve mo sa buhay bago ka magbuntis or mag asawa. Saken nung nalaman ng fam ko sobrang tuwa nila , at excited kasi sa amin magkakapatid ako nlang walang anak 😁kaya excited cla makita yung magiging supling ko ☺️😘 Yun nga lang di pa alam ng parents ng BF ko kasi parang nasa same situation kayo. May takot din sya na sabihin baka ganyan din sasabihin ng parents nya , sa ngayon naghahanap pa sya ng tyempo na sabihin sa kanila kasi lumalaki na rin tyan ko , 19weeks na c baby sa tummy.. Anyways Godbless you momsh , di ka nag iisa. Laban lang po and Godblessyou.

Magbasa pa

Alam mo sis pareho tayo ng taon na nabuntis at same na nagwowork din ako that time..Nung nalaman ng parents ko na buntis ako ofcourse the reaction is nagalit sila..I feel that they are very disappointed to me pero kinaya ko un..Ilang linggo kmi ndi nag usap ng mama at papa ko..Hanggang sa dumating time na di rin nila ako natiis..hehe..Kaya naniniwala ako na kadalasan walang magulang ang nakakatiis sa anak..Nung lumabas na baby ko mama ko ang isa sa unang nakakita skanya maliban sa asawa ko..Tapos nung nasa ward na ako dumating din agad papa ko..Ngayon 4 years old na anak ko sobrang spoiled sa mga lolo at lola..Kaya tiis ka lang sis malalampasan mo din yan😊

Magbasa pa

Ako mamsh 19 ngayon nabuntis ako g12 pa graduate na sana this march mommy ko di tanggap nangyari skain sobrang galit pero alam ko naman na huhupa un at matatanggap din. Lucky ako na daddy ko tanggap baby ko at ang bf ko laht nagaaral pa kme. Lucky ka na nakapaggraduate ka na ng college ako wala pa sa college eto na nangyari. Pinagsisihan ko nung una pero after months na andto bf ko sumusuporta samin ng anak niya. Im still lucky to have a baby july edd ko and excited na kame makita siya. After i gave birth babalik din agad ako ng college to pursue my dream. Congrats po and stay strong sainyo ni baby

Magbasa pa
VIP Member

Same tayo sis,I am 21 yrs old when I got pregnant..months after lang when I graduated from college..then before I knew na buntis ako me and my bf broke up..I was totally depressed that time kasi ayaw nya akong panagutan kasi he already have a new gf..tapos ang parents ko very disappointed sakin kasi kakagrad ko lang from college and mataas yung expectations nila sakin..pero never nmn ako nakarinig ng mga mean words..all of that I survived nmn,8 yrs old na baby ko then I got married last year(not with the father of my child) pray ka lang..you can survive din tulad ko ☺️

Magbasa pa

sa una lang po yan sa paglipas ng mga araw buwan o taon mttnggap dn nla ang ngyri. disappointmnt ka pra s knla ksi ikw pla bread winner, pro be positiv. may another reason para mainspire, para lumaban at pra maging mas matatag, sa bwt desisyon mo n gagawin may dpt k ng ikonsiderang srling anak. mahal mo sila dhl pmlya mo sila pro mas pakamahalin mo ung nsa tummy mo dhl iwan k mn ng lht, iyang baby mo ang mgssilbing liwanag ng buhay mo at ndi k iiwan nian kya kapit lng momsh, wg mo sya bbitawan dhl lng s mga harsh wrds n ntnggap mo. lilipas dn galit nila. ingatan mo srli mo

Magbasa pa