Paninilaw ng mata : 5 days old

5 days old baby ko at madilaw yung eyes nya. nka thrice pa lang namin paarawan kasi lagi makulimlim. Aside po sa paaraw ano p po pwede gawin pra mawala paninilaw ng eyes? Di po ako mkapagbreastfeed kasi lagi xa napoops after, dahil daw sa lactose tolerance. Kaya pinagformula muna ng pedia nya. Thanks in advance.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy. Medyo mahaba pero I hope it helps saten. I just want to share my experience sa 2 kong anak. Both of my babies has "breastmilk jaundice" ang difference lang yung sa panganay ko after a month and a half, pina stop ako mag breastfeed at mag formula. Naka monitor ang bilirubin nya, as in every week nasa hospital kami para magpa extract ng dugo for bilirubin count and nung nakita ng pedia niya na nababa ang bilirubin, nag formula kami ng hanggang sa tuluyan ng mawala ang yellowish ng mata nya. Ang downside, nag mixed feed ako kasi sobrang humina ang gatas ko. We even consulted a Gastroenterologist para maka sure lang na ok ang liver nya and sabi samin, exaggerated jaundice and tawag dito and continue breastfeeding and paaraw since ito Vitamin D ang wala sa gatas ng nanay. Pero hindi ako nakinig, nag formula parin ako kasi humina na ang gatas ko ng tuluyan. After 6 yeras, binigyan ukit kami ng isang baby boy. Kakapanganak ko lang nitong June 3, 2022. As expected, yung bunso ko ay same case pero different scenario na. As per our pedia, isa sa mga factor bakit nagdidilaw ang bata ay because sa blood type ng parents, mostly sa mga baby na type O ang nanay or tatay. I'm type O at type A ang asawa ko. Sabi ng pedia namin it may take a month bago mawala ang paninilaw ng mata nya. As long as si baby as gaining weight, walang fever, active at hindi naninilaw ang paa, palad to the point na prang orange na ang kulay, ay normal ito. So, after 1 month madilaw parin ang mata ng baby ko, sa ngala-ngala niya, sa pwet and onti sa cheeks kaya nagpacheckup ulit kami just to be sure na okay talaga sya. Everything is okay, this time di ako nag stop mag breastfeed, unli latch kami para mas makapag poop si baby. Since madali madigest ang ang BM, more poop more fun hehe to flush out the bilirubin and nawala completely ang paninilaw nya nung 2 months na sya. Nag research din ako about dito and sabi sa isang advocate group for breastfeeding, kung may BM jaundice si baby, better to take Iron supplements which I did. Nag take ako ng ferrous sulfate twice a day since ito nga ang wala sa gatas ng nanay. Breastmilk jaundice or "exaggerated jaundice" could last up to 12weeks. Continue breastfeeding po, paaraw 15-20mins daily pero syempre better to consult paren po with your doctor. May ibang pedia will recommend you to take formula pero nasayo parin po ang desisyon. Goodluck and God Bless po. 😊

Magbasa pa
3y ago

ok po. thank you so much po sa tips mga mamsh 😊