4months
4months na buntis gf ko pero hindi pa kami nakapag checkup ano po step by step para sa checkup saka magkano po ginastos nyo.salamat sa makasagot.

Una hanap ka muna ng OB. Ung consultation depende sa OB. Range nia is 300-1k. OB ko 600 consultation. Narequest OB ko ng ultrasound. Sa Medical City P2065 un. Pero madami mas mababa tanong tanong ka lang sa mga diagnostic clinic. Between 300-2k yan. Tapos unang laboratory inabot ng 1200. CBC, Urinalysis, Blood Typing, RPR, Hbsag at HCV. Price nian depende din kung saan mo papagawa. Hanap kayo mas mura. Madami jan. Yang lab test meron pa kulang yan. Mas mahal ung sunod na request ni doc abot ata 5k. Tapos every month yan meron test. Tapos vitamins at mga gamot. Umabot siguro 3k lahat for 1 month. Iba iba din. Ako kasi medyo high risk kaya madami reseta. If wala budget. Maghanap kayo ng public hospital. Para libre. Kelangan lang masipag kayo mag asikaso ng requirements at matiyaga kayo pumila. Lapit nio sa social service at malasakit center. Pede din kayo mag health center kaso kulang gamit nila at check up lang talaga.
Magbasa paob consultation 350 per check up w/ ultrasond w/o print out (monthly) 1st trans v 850 (w/print out findings) multivitamins calcium 17/tab folic 350/100 tabs ascorbic acid 350/100 tabs duphaston 50/tab duvadilan 25/tab probiotic softgel 75/tab (optional) anmum 379 phelvic ultrasound (gender) 455 s district hospital same ob pero mas mura byad s kania pag doon 330 lang mahal talaga magbuntis ngayon mommy ung mga lab gaya ng urinalysis and cbc pag my philhealth libre s rhu pero pag wla 200 kahit s public hospital by the way dto 0ala kami s province depende p din s area nio..
Magbasa paTransv po. yung price depende po sa clinic na malapit po sa inyo . Next po is labtests like cbc, urine para malaman kung may uti si preggy or anything magca.cause ng infection para na din maagapan agad at di makaapekto kay mommy at baby.. CAS yan po e para malaman kung ano gender or any problem sa development ni baby.. kasama din po yung monthly check up kay OB or depende pa kung maselan si preggy sa pagbubuntis.. take din dapat ng vitamins at kumain ng fruits and vegetables para healthy.
Magbasa papa check up mo nalang sa center hihinge lang sila ng lab test pero medyo mahal siya pag sa public hospital ka mag papa lab asa 1300 plus . lang tapos pag malaki na kasa mo nalang ipa ultrasound pag asa 7 to 8 months na or 9months na kung gusto mo mas makakamura ka kung kaya naman ipa ob mo nalang if keri sa budget 😊
Magbasa papublic hospi ako free lang basta may card ka nila na 100 pesos may bayad lang dun is yung ultrasound pero nilalapet ko sa malasakit kaya nakakadiscount and then yung nanganak ako yung 48k ko is zero billing dahil nilapet ule namen sa malasakit plus nagamet pa philhealth ko ket di updated ang bayad. 🤗
Magbasa paFirst magpa trans v po kau 450 lang ung akin ,Second punta po kau sa Health center na malapit pra libre check up nyu. kelangan may check up at laboratory c misis nyu to monitor the baby.. medyo pricey tlga mabuntis pero kaya nyu po Yan.
Ob consultation 350 (private) depends sa clinic/hosp minsan kasama nadn ultrasound Trans V 800 ultrasound 300 Lab test 400 vaccines 400-800 vitamins 10 pesos each depende dn sa brand Milk - 200-300 sa center libre lng checkup ska vitamins
Magbasa paPunta muna kayo sa health center para maresitahan ng prenatal medicine, ask the doctor kung need pa ng ultrasound para makatipid po if Hindi na need. Ask rin kung need pa ng other lab test to Make sure na safe si baby at si mommy.
Depende po kung saan papacheckup si mommy. If private po usually nagsastart sa 500-600 ang checkup then ultrasound nagaverage ng 900-1,200. Pero para mas tipid po pwede naman sa health center or public.
depende po kung ano irrequest sa inyo pag nag pa check up kayo . kung transv samin po dto sa sjdm 500 plus ihi dugo po 400 lahat sa 1k sakto na po pang pacheck up