Sex
Hello! 40 weeks na po ako at ang sabi ng OB ko lakad lakad na daw ako, primrose, at sex daw kung gusto ko. Nahiya ako itanong sa kanya kung ano alternative sa sex kasi narape lang po ako. Ano po ba alternative para makapanganak na po ako, nagwoworry po ako kasi 2cm pa lang ako.
Kahit walang sex sis... Kung may stairs kayo, akyat baba ka lang... Kahit twice lang.. Then squat ka... Isipin mo nakaupo ka sa bowl mga 1 minute lang tas gawin mo 5 times. Makakatulong po yun sa pagbuka ng cervix mo... ☺️ Have a safe delivery.
Don't worry lalabas din si baby, siguro nagreready pa lang sya. Praying for your safe delivery. Hanga ako sa iyo. God Bless you and your baby!
Salamat po. Babies are gift from above.
Lalabas din yan si baby don’t worry di mo kelangan ng sex. Maglakad lakad kana lang or maglinis ng bahay.
Mabuti nlng at kahit pano nagka blessing ka mamsh. Wag ka masyado magpa stress lakad lakad lng.
Guilty po ako sa stress 😊. Excited na kasi ako makita si baby. Namamanage ko naman na po at maraming nagcocomfort.
Primerose lakad and squat sis. Ako exactky 40weeks nanganak na ako yun lang ginagawa ko.
Wow. Buti pa po kayo. Ako pinauwi pa. 😄 Pagod na ko sa kalalakad ng mahaba wala pa rin. Squat lang ang di ko pa nagagawa. Try ko po yan.
mag squat ka mamsh kahit pasandal lang sa pader. kaya mo yan. Ingat ka po
Pano po yung squat? Nakatigil lang or dapat taas baba po? Ayoko sana squat kasi may almuranas ako pero titiisin ko na lang.
Primrose effective daw Sabi nang iba. Proven and tested na
Hays 2 cm pa din po after 2 weeks of taking orally and intravaginal. Di man lang lumaki cm ko. Baka di po hiyang sakin.
Karmahin sana nang-rape sayo sis. 😑😤
Tanggap ko naman na po. Masama ang magpalaglag. Mahalin ang may buhay lalo na galing naman ang kalahati sakin.
Lkad lang sis. Makakatulong un.
lakad lang sis,Godbless!