39weeks na ako pero wala parin ako maramdaman na labor. Normal padin nararamdaman ko walang kahit na anong discharge, walang sakit sa puson o balakang pero minsan tumitigas lang yung tyan ko.
Nagpositive pa ako sa swab kaya hindi ako makapunta sa OB ko para magpaIE kaya hindi ko alam kung open cervix na ba ako o kung ilang CM na 😔 BTW ngayon na yung pang 14day quarantine ko thank God naman walang symptoms na nadevelop during those days. Sana lang magnegative na ang result ng paswab ko bukas. Pasama nalang po kami ni baby na magnegative yung result namin bukas.
Sobrang stressful ang manganak ngayon dahil sa pandemic na to sana matapos na lahat. Sana pareparehas tayong makaraos ng maayos at healthy si baby 🙏 #advicepls #pregnancy #39weeks #covid19 #FTM #laborpain