Maternity Leave

34 weeks na po si baby and gusto ko na sanang mag leave sa work kasi nahihirapan nako sa paag byahe and lagi ako namamanas hanggang hita na sya tuwing pagkatapos mag byahe. nung 16 pa sana ako maglleave at nagsabi nako sa work kaso sabi sa work before ako makapag leave need ko raw ng request ng ob for bedrest kasi masyado pa raw maaga kaso sabi ng ob ko last check up namin january pa nya ako pwede bigyan kasi masyado pa maaga at okay naman daw si baby. may ibang option po kaya ako kapag ganito? thank you po.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende talaga sa HR yan mi. Ako 33 weeks nung nag mat leave. Last week lang, actually. Di naman nag hanap ng med cert. Sila pa nagsuggest na mag leave nako kasi malapit na due date ko. Kung inask ng HR, bigay mo nalang mi. Mag bibigay naman ang OB mo niyan, for sure. Same din pala tayo, hirap na mag byahe. Masakit na lagi paa ko. Nakakatagtag ang byahe tapos hirap umupo ng matagal hehe

Magbasa pa