MIL dilemma

34 weeks na akong preggy, and somehow nappressure ako sa aking MIL, at medyo nasstress na din. Panay po kasi ang pagsakit ng aking pubic bone kaya hindi ko po pinupwersa ang pagkilos ko. Bale tamang lakad at kilos lang. Ang MIL ko naman ay nais magexercise ako ng medyo matindi, para daw madalian sa panganganak, pero hindi po talaga kaya kasi pagpinipilit ko, iba ang pain na nararamdaman ko and I trust my body more than anybody else. Another scenario, naguusap kaming magasawa at MIL, at imbis na iaddress ako sa pangalan ko, ang laging tawag sakin "yan" na para bang alagang aso ang datingan. Ako po medyo naooffend pero hindi naman ako nagtatanim ng galit dahil dun. Si hubby, on the other hand, ay hindi natutuwa at sinasagot ang kanyang mama. Inaadmire ko naman po ang pagiging protective ni hubby sa akin, pero ayoko naman din po na ako ang maging cause ng kanilang pagaaway at di pagkakaunawaan. Lastly po, lagi pong may pabalang na passive aggressive na sagot ang aking MIL sa tuwing ako ay nagsasalita at nalulungkot na po ako ng sobra. Bukod pa po doon, lagi akong pinagagalitan kahit ano man ang gawin ko. Pagkanalabas po ako ng bahay, nagagalit po siya. Pagmagsstay naman po ako sa loob ng bahay at sa kwarto, nagagalit pa din po siya. May time na napuyat ako dahil paakyat baba ako ng hagdan, akala niya po ay sinadya ko magpuyat, tinry ko naman po iexplain ngunit ang sabi niya ay palusot ko lamang ito. May time din po na napuyat ako dahil sa sobrang likot ng baby ko sa tiyan, pero ganun pa din po, tingin niya pa din po nagpapalusot lang ako. Hindi ko na po alam kung saan ako lulugar. Manghihingi po sana ako ng tips kung paano namin masasabi sa aking MIL na nakakasakit na siya ng damdamin ng hindi po magttrigger ng away or selos. Thank you po sa mga sasagot! ❤️

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

⬆️⬆️⬆️⬆️

Uuuuuup

Up!!!!!

Up!

Up!

Up

Up

up

Up