MIL dilemma

34 weeks na akong preggy, and somehow nappressure ako sa aking MIL, at medyo nasstress na din. Panay po kasi ang pagsakit ng aking pubic bone kaya hindi ko po pinupwersa ang pagkilos ko. Bale tamang lakad at kilos lang. Ang MIL ko naman ay nais magexercise ako ng medyo matindi, para daw madalian sa panganganak, pero hindi po talaga kaya kasi pagpinipilit ko, iba ang pain na nararamdaman ko and I trust my body more than anybody else. Another scenario, naguusap kaming magasawa at MIL, at imbis na iaddress ako sa pangalan ko, ang laging tawag sakin "yan" na para bang alagang aso ang datingan. Ako po medyo naooffend pero hindi naman ako nagtatanim ng galit dahil dun. Si hubby, on the other hand, ay hindi natutuwa at sinasagot ang kanyang mama. Inaadmire ko naman po ang pagiging protective ni hubby sa akin, pero ayoko naman din po na ako ang maging cause ng kanilang pagaaway at di pagkakaunawaan. Lastly po, lagi pong may pabalang na passive aggressive na sagot ang aking MIL sa tuwing ako ay nagsasalita at nalulungkot na po ako ng sobra. Bukod pa po doon, lagi akong pinagagalitan kahit ano man ang gawin ko. Pagkanalabas po ako ng bahay, nagagalit po siya. Pagmagsstay naman po ako sa loob ng bahay at sa kwarto, nagagalit pa din po siya. May time na napuyat ako dahil paakyat baba ako ng hagdan, akala niya po ay sinadya ko magpuyat, tinry ko naman po iexplain ngunit ang sabi niya ay palusot ko lamang ito. May time din po na napuyat ako dahil sa sobrang likot ng baby ko sa tiyan, pero ganun pa din po, tingin niya pa din po nagpapalusot lang ako. Hindi ko na po alam kung saan ako lulugar. Manghihingi po sana ako ng tips kung paano namin masasabi sa aking MIL na nakakasakit na siya ng damdamin ng hindi po magttrigger ng away or selos. Thank you po sa mga sasagot! ❤️

19 Replies

Better if si hubby mo kumausap sa MIL mo kasi kahit gaano pa kaganda ang way ng pagsasabi mo, panget ang rehistro niyan sa MIL mo (given yung circumstances na pabalang siya makipag-usap sayo at "yan" lang ang tawag sayo) ipaexplain mo kay hubby na nahihirapan ka nang matulog, hindi pwede yung hardcore exercises na sinasuggest niya, and others. Sa akin kasi si hubby kumakausap sa parents niya lalo yung mama niya. Lagi kasi ko sinisita like magdiet na raw, araw-araw maglakad lakad, wag kumain ng ganito ganyan. Sinabi niya lahat ng sinabi ng ob ko na kailangan kong maggain ng weight para hindi ako mahirapan sa panganganak kaya di ako pwedeng magdiet. Yung mga pagkain na gusto ko kainin so long na wala akong allergies at hindi nirecommend ng ob na wag ko kainin, pwede kong kainin. Hindi pwedeng araw-araw maglakad dahil naging maselan yung pagbubuntis ko (nagkaspotting ako eh). Konting galaw sobrang pagod at sakit ng katawan ko, delikado. Di naman na ko kinulit ng mama niya nung kinausap siya ni hubby. Try niyo baka umeffect sa MIL mom

Mas okay sguro sis kung bumukod nalang kayo. Hirap talaga ng ganyan nakikisama sa MIL. Hubby ko. Sinasabi ko talaga sakanya pag ayoko sakanila dahil sa mama nya na mabunganga tapos lagi ako pinangungunahan ako sa anak ko. Nauunawaan naman nya ang saloobin ko. Mag usap kayo sis. Bawal ka pa naman ma stress dahil makaka apekto kay baby.

hindi talaga mgamdang kasama sa iisang bubong ang mga biyenan . hindi ko naman nilalahat pero may mga biyenan talaga na hnd mo makksundo kht anong gawin mo e. nasubukan na dn namin yan noon nakitra kami sa bahay ng biyenan ko kc wala work non asawa ko . . ako pinaghanap ng work doon sa lugar nila at goodthing nagkaroon naman ako ng work , hiningan kami ng pambayad sa ilaw at tubig .. nagkaroon dn naman ng work ang asawa ko as construction worker noon gang sa nwalan din. tapos nung 8months nako tumigil na dn ako ng work na ikinasama yata ng loob ng biyenan kasi kargo na kami dat tym pareho na kami wala work e . gang sa lumala na sitwasyon ano ano naddinig ko sa mga magulang at kapatid na babae. hnd ko na matiis . kami dlwa ng asawa ko nag away .. sav ko uuwe nako dto sa amin. tas un nag usap kami . naaus naman . buti nalang may bakanteng paupahan pa pinsan ng nanay ko . bumukod kami . nangupahan kami atlweast ngayun wala na nangingialam at nakatingin sa bawat galaw ko.

Best solution sis, bumukod na kayo ng hubby mo. Wag nyo nalang patagalin kasi baka mas lumala lang ang di pagkakaunawaan. maiipit lang din si hubby mo sa inyong dalawa. Sa isang bahay kasi, iisa lang ang pwedeng maging reyna, ayaw ng ibang mil na ang anak nila eh mas pinagtutuunan ng pansin ang asawa nila kesa sa kanila na nanay. Nakikipagkumpitensya at nagseselos sila sa asawa ng anak nila. Mas malala mil ko dyan... Bisita bisita nalang kayo paminsan to reach out and para mabuild relationship nyo bilang manugang at mil kasi pag ganyan magkakasira lang kayo.

Dpt ang asawa mo ang mag approach sa mama nya.. Sabihin mo lahat sa asawa mo ang mga saloobin mo.. Tapos sya ang magsabi sa mama nya kasi mas kilala nya mama nya eh. Ang hirap kasi kapag ikaw mismo ang kumomfront sa mil mo.. But if there's a chance at matibay loob mo, hanap ka ng chance para makausap mo mil mo. But i suggest para maiwasan ang mga ganitong bagay... Bumukod nlng kayo mag asawa kasi mahirap tlga kapag may mga kasamang relatives sa bahay.. Yun ang pinagmumulan ng gulo.

Kagustuhan po talaga naming bumukod kaso po wala pong magaalaga sa MIL ko according sa aking husband. Plan po talaga namin kumuha na ng rent to own na bahay paglabas ng baby namin pero most likely po ay makakasama pa din namin ang MIL ko dahil nga po sa wala naman siyang ibang tutuluyan at yung kapatid naman po ng aking hubby ay nagdodorm lang. Kahit po siya ay nahihirapan na din kung paano niya po kakausapin ang kanyang mama kasi daw po kaunting pagsasabi lang daw niya last time ay naginit ang kaniyang dugo, nagdabog at nauwi sa matinding sagutan. 😞

Kht anong way po Ng pag kakasabi u mag aaway parin kau..base kac sa cnbi u may sumpong s mil u sau..cguro mas maganda f hubby mo mag sasabi saknya since sya nman Ang anak..tsaka better f bumukod na kau..sabihin nyo na nakaka apekto sa pg bubuntis mo Ang ginagawa nya sau..I'm sure nman pg lumabas bb nyo mg bbgo din yng mil u..cguro gusto lng din nya na Hindi ka mhirapan pero maganda cguro na lumayo muna kau pansamantala..materialize dn nya Ang Mali nya

di pa po kami kasal pero same, dati tawag saken naririnig ko non and nabasa ko sa chat nila ng anak nya, "YAN" din tawag saken simula nung nag live-in kame pero dinedma ko lang. ngayong magkakaapo na sya samen pangalan ko na tawag nya saken saka lagi na ko kinakamusta at pinapayuhan. and hindi naman na sya kumakampi sa anak nya pag may maling ginawa.

Much better kung bumukod na kayo ng tirahan mamsh. Kasi imbis na suportahan ka nya sa pagbubuntis mo dahil apo naman nya yan sya pa nagiging cause ng stress mo. Dont make yourself suffer maaapektuhan nyan si baby. Kausapin mo din si hubby mo. Kailangan nyo bumukod dahil may binubuo na kayong pamilya.

Yun naman po sana ang original plan, kaso po wala pong ibang inaasahang magaalaga sa aking MIL kundi si hubby lang po. Plan po talaga namin kumuha ng sariling bahay paglabas ni baby, pero for sure po na kasama pa din po nmin ang aking MIL. Ang kapatid po kasi ng aking hubby ay nagdodorm lang at wala nang ibang matutuluyan ang aking MIL.

mas maganda siguro kung husband mo nlang kumausap kase mother naman niya yon. Baka mafeel ng MIL mo na pinagtutulungan siya or mafeel nia na napapahiya siya. Explain lang ng maayos ng hubby mo, yung hindi galit. Nadadaan naman sa maayos na usapan ang lahat e.

Up! Hope everything works out. Wala kasi aking ganyang experience eh. Pero sana sa ibang mommies dito matulungan ka. 😊😊😊

Hindi po kayo gusto ng in law nyo yan po ibig sabihin nyan

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles