Bigla akong natakot

31 weeks na po si baby at first ko po ito, ilang araw nakong hirap humiga, huminga at matulog. Tapos kanina habang naghahanap ako ng pwesto para makatulog, hirap kasi tlga mkahanap nya pwesto dahil sumasakit ang likod ko dahil siguro mabigat na si baby. Bigla kong narealize na may 2 months pakong ganito, na mahihirapan. Bigla akong natakot, kasi antagal ko pang mahihirapan naiiyak nako. Tapos nagsink in sakin kung ngayon palang ang hirap at ansakit ng pano pa kapag manganganak nako, mas mahirap at masakit. Dun nako ninerbyos 😔. Pinipilit kong kumalma kasi kapag nagtuloy tuloy to lalo akong mahihirapan huminga. Hiirap pala tlga maging nanay, hindi pa sya lumalabas kailangan mo ng lakasan ang loob mo. Natatakot ako sa mga mangyayari

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

FTM din ako mi, 36 weeks nko now. mrmi din ako naiisip minsan nega pero c mama ko at hubby sila ung ngpapalakas ng loob ko lalo na mama ko, lagi nya sinasbe msakit lng dw ung labor at normal un pero pag lalabas na c baby kusa mo nmn dw na iire yun dahil lalabas nmn tlga sila.. saka kinakausap ko din c baby na tulungan nya c mommy nya at wag pahirapan, ganon din c hubby ko, lakasan ko lng loob ko dahil natural sa isang babae ang manganak eto tlga ang role natin mi, think positive lng tayo at magdasal po pra sa safety natin ni baby.

Magbasa pa